Advertisers

Advertisers

Sunshine matapang na inihayag, dismayado sa gobyerno

0 323

Advertisers

BAGO pa man idinaos ang SONA ng Pangulong Duterte, nagpahayag na ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon ng pagkadismaya sa gobyerno sa mga isyung kinakaharap nito tulad ng pagtugon nito sa krisis sa bansa (kalusugan, kapayapaan, kabuhayan) na pinaigting ng pandemya  ng  Covid-19.

Ayon pa kay Sunshine, matagal na rin siyang walang sinasabi sa mga isyung bumabagabag sa kanya, sa paniniwalang mas mabuting manahimik na lamang kung wala rin siyang magandang sasabihin.

Pero ngayon daw ay mulat na ang kanyang isip lalo pa’t naniniwala siyang hindi ito ang panahon para manahimik lalo pa’t may pinaglalabanan siyang sa palagay niya ay tama at matuwid.



“Marami akong kaibigan na hindi ko na siguro magiging kaibigan pagkatapos nito pero ayos lang kasi ibig sabihin hindi talaga sila kaibigan,”aniya.

Nakiusap pa siya na huwag agad siyang husgahan sa anumang sasabihin niya.

“Bago n’yo ako husgahan at tawaging bobo gaya ng iba dyan na ang huhusay at ang lalakas ng loob mang liit ng kapwa nilang Pilipino kahit wala naman sila ni singkong na i ambag para sa kultura at bayan. Oo hindi po ako abogado pero marunong po akong magbasa at marunong din akong umintindi,” paliwanag niya.

Aniya, gusto niyang mabuhay sa isang bansa na may pagmamahal sa kapayapaan at walang pagmamalabis ang mga mga nasa kinauukulan.

“Gusto ko pong mamuhay na walang takot na ako ay pwedeng mapagsusupetyahang terrorista dahil nilabas ko lang ang aking mga saloobin o akoy sumali sa isang protesta,” she said.



“Hindi tamang mawalan tayo ng boses at karapatang pumuna kapag tayo ay may mga mali nang nakikita,” esplika niya.

Dagdag pa niya, gusto rin niyang lumaki ang kanyang mga anak sa malayang lipunan na naisasaboses ang kanilang mga karapatan. – (Archie Liao)