Advertisers

Advertisers

Dina ibinuking, tinawag na tipaklong ng erpat si Bossing Vic

0 136

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGKASAMA noon sa maraming pelikula sina Snooky Serna at Dina Bonnevie noong heydays nila sa Regal dekada 80.
Katunayan, kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano, nakilala sila sa hit movie na “Underage”.
Kaya naman, sobrang tuwa ni Snooky na napaunlakan siya ni Dina na mag-guest sa kanyang vlog.
Speaking of Dina, maraming pinakawalang pasabog ang award-winning actress sa kanyang throwback sa naturang vlog.
Ani Dina, first love raw niya ang namayapang actor at Katorse co-star na si Alfie Anido.
Idinetalye rin niya kung bakit hindi boto ang kanyang istriktong ama rito.
May nakaraan pala ang mga magulang nina Dina at Alfie dahil binasted ng nanay ng huli ang tatay ni Dina.
Natatandaan pa raw niya na ipinahabol pa noon si Alfie ng kanyang dad sa mga aso.
Si Vic Sotto raw naman na tatay nina Danica at Oyo Boy ay nakilala niya nang gumawa siya ng comedy kasama ang mga host ng Eat Bulaga.
Hindi raw niya type si Vic dahil nakokornihan siya sa jokes at slapstick humor nito.
Blinackmail pa nga raw siya nito na hindi siya bibigyan ng kopya ng inirecord niyang hit single na “Bakit Ba Ganyan?” kung hindi siya magiging date nito.
Hindi rin daw aprub ang kanyang daddy kay Vic .
Katunayan, nilait daw ng kanyang ama si Vic at minsang tinawag itong tipaklong dahil sa kapayatan nito.
Gayunpaman, dahil sa masugid na panliligaw ni Vic ay nahulog naman ang loob niya rito.
Sa naturang panayam, ibinunyag din ni Ms. D na umasa siyang mananalo ng acting award sa personal favorite movie na “Gumapang Ka sa Lusak” na incidentally ay naunsyami siya nang mapunta sa iba.
Pinaka-hate naman niya sa pelikulang ginawa niya ang “Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili” na bet na bet niya noong tapusin na.