Advertisers

Advertisers

SANA NGA, MAGMURA NA ANG PRESYO NG PAGKAIN

0 231

Advertisers

UNA, belated happy 99th birthday kay Manong JPE (Juan Ponce Enrile) last February 14: iba talaga ang kumakain ng saluyot, ng dinengdeng, ng dinakdakan at ng papaitan.

Aba, tinalo pa ni Manong Juan ang kalabaw, muli, maligayang pagtanda pa hanggang 100 years pa ang panalangin ng inyong abang lingkod sa inyo po.

At siyempre, more birthdays to our bossing, Sir Benny Antiporda, dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec at National Irrigation Authority administrator (NIA) na masaya at mas bumata kasi, nabawasan ang stress sa trabaho ngayong siya ay private citizen na.



Ang saya ng celebration ng kaarawan niya at pinasalamatan ang buong opisyal at mga miyembro ng National Press Club (NPC) na sabi ni Sir Boss Benny, “Dahil sa NPC, kung anoman siya ngayon, iyon ay dahil sa NPC!”

Muli, happy birthday and more power, Bossing Benny.
***
Is the coming EDSA Uno (37 years ago) celebrations ay ano nga ba ang totoo: sabi sa Guiness Book of World Record, ‘revolution’ daw ito, pero hindi naman daw at ‘kudeta’ ito ng break-away faction nina JPE (noon ay Defense Minister ni Prez Ferdinand E. Marcos Sr.) at Gen. Fidel V. Ramos (+) na Armed Forces of the Philippines (AFP) vice chief of staff at second cousin ni Macoy.

Ang mapait na katotohanan, after 37 years, sa kabila ng pagbabalik daw ng demokrasya, hinahod, lugmok pa rin ang buhay ng Pinoy na ipinangakong ibabangon nina Cory Aquino, FVR, Erap Estrada, Gloria Arroyo, PNoy Aquino, at Digong Duterte.

Eto ngayon si PBBM na ligalig sa ismagling, hoarding at mataas na presyo ng sibuyas at ng bawang: ano ang susunod, luya naman.

Solusyon na ginagawa ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. balasahan, palitan at hugot at suksok ng mga tao sa gobyerno.



Kung ‘weak’ ang paratang kay Junior ni Tatay Digong, parang hindi naman, kasi aba, biglang ipinatawag ang Chinese ambassador at sinabihang itigil ang pambu-bully sa West Philippine Sea (WPS), at pag di tumigil ang ‘kaibigang’ si Chinese Prez Xi Jingping, patitibayin na ang depensa militar ng Pinas, ‘thanks to Uncle Sam’, at iba pang kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) powers.

Magpapakita na ng ‘pangil’ ang AFP sa tulong ni US Prez Joe Biden na balitang marami pang kampo militar ang babagsakan ng modernong armas de giyera.

Wag magtataka kung isang araw, ang Phil. Navy at Phil. Coast Guard ay magkaroon na rin ng military grade laser na itututok sa pakialamerong Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal at iba pang bahura natin na sakop ng ating exclusive economic zone.

Wala kasing palabra de honor ang China — na BFF daw natin — na sabi, may freedom na mangisda tayo sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS pero may ‘freedom’ din silang mambomba ng tubig, at eto nag-military grade laser na at may report pang binabangga ang patrol boat natin at ang fishing boat natin.

Kuting man tayo sa tingin, handa tayong lumaban at magpakita ng matatalim na pangil.
***
Handa na ba tayo sa same sex marriage na gusto ng ilang mambabatas?

Ayaw ng mga simbahan, kasi ang unang basbas ng kasal sa Paraiso ay lalaki (Adan) at babae (Eba) at kaya nga ginunaw, ayon sa Biblia, ang Sodom at Gamorra e kasi nauso sa mga siyudad na ito ang espadahang lalaki-sa-lalaki, at pompyang na babae-sa-babae.

Hindi same sex marriage ng LGBTQ+ ang gusto ng tropa ni Kong. Pantaleon Alvarez kungdi same sex relationship sa layong mawakasan ang diskriminasyon laban sa mga taong hindi maintindihan ng lipunang ito kung ano nga ba ang kasarian nila.

Lalaking pakiramdam ay babae at babaeng pakiramdam ay lalaki at lalaki at babaeng pwedeng kahit kanino ay sumiping at makisiping.

Wag sanang umulan ng apoy at asupre sa atin, Panginoon!
***
Ano na ang nangyayari sa ‘gulong’ ginawa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos na umano ay naga-ambisyon (maging Senador) sa mga pinagbitiw niyang mga pulis na kuno ay sangkot sa droga?

Kasi kung ang isang parak ay sabihing ‘guilty’ ng komiteng nilkha nina Abalos at ng tropa ni Phillipine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. e maiaapela agad ito, sakop ang mga pulis na matulis ng Civil Service Commission (CSC), at bawal ang judgemental, kasi ang akusado ay laging presumed innocent, ayon sa batas, malibang sabihin ng korte na nagkasala na.

Sa ginawa ni Abalos at Azurin, yung matitinong pulis — na mas marami sa mga tiwali — ay nawalan ng ganang magtrabaho.

Gumagawa ka nga naman nang maayos, pagdududahan ka pa at konting kibot, sususpindihin, kakasuhan at baka tanggalin pa sa serbisyo.

Ang resulta, low moral, low performance!
***
In two-year time, magiging sufficient na raw tayo sa bigas at iba pang agri products, sabi ni PBBM, kasi aayusin na ang lahat ng programa, ayuda sa mga farmers at fishermen at livestocks raisers natin.

High breed na palay ang gagamitin at ang irrigation system ay aayusin, at magtatayo ng cold storage sa mga probinsya, at mismong gobyerno na ang mangangasiwa sa trading ng agri products.

At magiging sobrang higpit na ang Department of Agriculture (DA) at ang Bureau of Customs laban sa mga ismaglers at hoarders ng imported agri products.

Buo ang tiwala ng pitak na ito kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio na magagawa niyang sugpuin ang ismagling at korapsiyon sa Aduana.

At magawa lang na maging P20 kada kilo ng bigas, magmura ang GG, tilapya, at iba pang fish, liempo, manok at beef at meat, tama nga ang desisyon ng 31 milyon plus na ipanalo ang ating Pangulong BBM.

Happy reading.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.