Advertisers
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lieutenant General Gilbert Gapay bilang susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment letter ni Gabay nitong Martes, Hulyo 28, na pinadala ang dokumento sa pamamagitan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Si Gapay, ang commanding general ng Army, ay papalitan si AFP chief General Felimon Santos Jr. na magreretiro sa Agosto 3 sa edad na 56.(Vanz Fernandez)
Kamakailan sinabi ng Malakanyang na kailangan ang kapalit ni Santos ay karapat-dapat, may kumpiyansa at may dignidad kaya kinonsidera ang pagtatalaga ng Pangulo ng isang military chief.