Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA dalawang dekada na ni Bea Alonzo sa industriya ay wala namang maririnig na negatibo sa mahusay na aktres.
Isa sa sekreto ng gf ni Dominic Roque kung bakit siya tumagal ng 2 dekada sa industriya ay dahil marunong siyang makisama at rumespeto sa mga kasamahan.
Sa pagbabalik tanaw ni Bea ay perfectionist nga raw ang direktor niya.
Ito ang dahilan kaya umabot sa 25 takes or 25 times ang sampal sa kanya.
Ganun nga raw si Bea at talagang professional pagdating sa work kaya walang naririnig na reklamo sa mga nakatrabaho ng aktres.
Never daw malilimutan ni Bea ang pagsampal sa kanya ng 25 beses at kahit nagkadugu-dugo na ang nguso nito ay tuloy pa rin ang take.
Gusto raw ng mahusay na aktres na lumabas na maganda at makatotohanan ang proyekto na sinalangan.
***
Direk Chris Novabos na-proud nang mapasok sa Top 10 at naging number 2 ang Lagaslas
WALANG pagsidlan ng tuwa ang batang direktor na si Chris Novabos na puwede nang ihilera sa mga batikang direktor.
Sa Top 10 na pinakamalalakas na pinapanood at nagustuhan ng netizens na panoorin via streaming ng Vivamax ay pasok ang obra ni Direk Chris, ang Lagaslas (Agos Ng Kasalanan).
Bukod sa pagpasok sa Top 10 na most trending Vivamax film, pumuwesto ang movie ni Direk Chris na Lagaslas sa second slot or number 2.
Kaya naman proud si Direk Chris at na-inspire pa na gumawa ng mga pelikula.
Konting kembot na lang ay baka manguna pa ito sa paboritong panoorin lalo.
Noon pa man lahat ng pelikula ni Direk Chris ay talagang pinag-isipan at pinaghirapan kaya ngayon inaani na niya at napapansin na ang kanyang obra.
Kaya ‘di malayo na humakot din ng tropeyo sa iba’t ibang award-giving bodies si Direk Chris.
Bonggacious. Well, well, well…’Yun na!