Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANG newbie actress na si Ada Hermosa ay handa nang magpa-sexy sa pelikula. Kumbaga, game na siyang magpasilip ng alindog sa mga matotoka sa kanyang papel.
Si Ada ay alaga ni Jojo Veloso, graduate ng Bachelor of Science in Psychology sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela, at may vital statistics na 34-25-35. Siya’y contract artist ng Viva at apat na agad ang nagawa niyang pelikula kahit baguhan pa lang sa mundo ng showbiz.
Paano siya napunta kay Tito Jojo?
Kuwento ni Ada, “Bale, nag-submit lang po ako ng setcard sa Philmoda which is pagmamay-ari ni Tito Jojo pala. Then ayun, gusto raw ako makita ni tito Jojo. So nagpunta ako sa condo niya for a photo shoot and pinapirma rin ako agad ng contract. And siguro wala pang one week, pinapirma na rin po ako sa Viva around November lang po yun.
“Everything went too fast, pero I’m grateful kay Tito Jojo kasi talagang ipinu-push niya ako and inaalagaan.”
Nang usisain namin kung game ba siyang magpa-sexy sa movies, sinabi niyang, “Yes game po ako. Actually at first hindi ko pa siya nafu-fully embrace… Nakaapat na rin po akong projects, thanks to my manager. I’m looking forward for more. Excited na rin ako.”
Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy? “Frontal and back kaya ko, pero yung all out na kita bandang ibaba, hindi po eh.”
Nabanggit din ni Ada ang apat na projects na natapos na niya.
Aniya, “I did Domme, directed by Roman Perez, Sapul by direk Reynold Giba, Paupahan by direk Louie ignacio (cameo role), at Sssshhh by direk Roman Perez (cameo). Natapos ko na po siya lahat and I’m currently on a break para mas i-ready ko ang katawan ko sa susunod pang projects.”
Nag-acting workshop na ba siya?
Esplika ng magandang aktres, “Huling acting workshop ko wayback 2015, 13 years old ako, pero summer lang siya, like a hobby. Then ayun po hindi ko siya na-prioritize or pursue kasi my parents wanted me to finish college. Kasi I studied dentistry prior to Psychology, so mga medical related course kaya kailangan 100 percent ng attention ko at oras is nakagugol lang sa pag aaral.
“Actually, I’m planning to do acting workshops or mag-theater, kasi as time goes by mas naa-appreciate ko yung acting so gusto ko pang paghusayan, kasi I gotta admit na hindi pa ako sanay talaga, kinakabahan pa ako, ‘di pa ako magaling katulad sa mga kasama ko na may background na talaga. So, gusto ko pa siyang mas ma-explore. Kasi sa Viva, mas nauuna yung projects bago workshop. So noong isinalang ako, medyo off pa talaga. Pero ang mahalaga, passion ko siya and nandoon yung determination kong matuto. Sobrang nakaka-inspired din kasi yung mga taong nakakasalamuha ko, kaya mas nai-inspired akong pagbutihin pa ang pag-arte,” seryosong wika pa ni Ada.