Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA second episode ng digital show ni Angelica Panganiban na Ask Angelica, tinanong siya kung nainlab na ba siya sa isang attached man.
“Hindi ko alam kung aamin ako or hindi eh,” natatawang sabi ni Angelica.
Pero inamin na rin ni Angelica na nangyari sa kanya ‘yun. Pero hindi niya binanggit kung sino ang guy.
“Na-in love ako, na-in love kami sa isa’t isa habang in a relationship kami pareho. Dumistansya naman. Mahirap ikuwento, masyadong personal and past na ‘yun. Pero nung nangyari ‘yun, dumistansya kami sa isa’t isa talaga. Kasi hindi pwede. Kahit na boyfriend-girlfriend pa lang, alam mong may mali,” anya pa.
In-open-up din ni Angelica na marami siyang kaibigang lalaki, na umabot sa puntong pinagselosan siya ng girlfriend ng isa sa mga ito.
Kwento niya, “Kasi ‘yung experience ko, malapit ako sa mga guy friends ko. May isang beses na pinag-initan ako nitong girlfriend ng isa kong kaibigan dahil more than friends daw kami. Ninakawan pa ako ng cellphone nun ah, para lang tignan ‘yung messages namin.
“Hindi ko na lang din pinalaki. As in sinisigaw niya sa bar ‘yung pangalan naming magkaibigan, nababalitaan ko na lang. Kung alam mo ‘yung totoo, siyempre maiinis ka, di ba?” aniya pa.
“Napag-awayan na ako. Pero kapag alam mo naman kasi ‘yung totoo na wala kang tinatago di ba, malinis ‘yung kunsensya mo, hindi ‘yun magma-matter dapat sa ‘yo.”
Sa tanong kung kinausap niya ‘yung girl para magkaliwanagan sila, ang sagot niya,”Hindi na. Kahit matapang akong tao, hindi ako confrontational. Choose your battles.”
Ang Ask Angelica ay napapanood sa soial media accounts ng ABS-CBN Films, the YouTube channels of Sinehub and MyChos, at Kapamilya Online Live streams at Kumu
***
ABS-CBN SHOWS IPALALABAS NA SA A2Z CHANNEL 11
NAGLABAS na ang ABS-CBN ng official statement sa sanib-pwersa nila sa Zoe TV, na isang Christian network.
Simula Sabado, October 10, mapapanood na ang mga programa at pelikula ng ABS-CBN sa bagong A-2-Z Channel 11 bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Incorporated. Mapapanood sa araw na ito ang It’s Showtime at sa Linggo ay mapapanood na rin ang ASAP Natin ‘To.
Mapapanood ang A2Z Channel 11 sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.