Advertisers
PASADO na sa ikalawang pagbasa ang isa sa priority bills ng House of Representatives.
Sa pamamagitan ng viva voce voting ay kinatigan ng mayorya ng mga mambabatas ang House Bill 7354 na layong magpatayo ng evacuation centers sa buong bansa.
Sa nasabing panukala, magpapatayo ng evacuation centers sa kada 1,488 na munisipalidad at 146 na lungsod sa buong bansa upang ma-decongest at maiwasan na ang paggamit sa mga eskuwelahan bilang evacuation center.
Ang NDRRMC katuwang ang local government unit ang tutukoy sa mga lugar na bibigyang prayoridad sa pagpapatayo ng evacuation center.