Advertisers

Advertisers

Ivana nabudol ng halos P5-M sa negosyo

0 143

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

PINAG-uusapan ang ginawang pagpalag ng sexy actress at YouTuber na si Ivana Alawi kaugnay ng estafa case na inihain niya sa kanyang business partners.
Sa episode ng Raffy Tulfo in Action, humihingi ng refund si Ivana na nagkakahalaga ng P4.8 milyon sa mga taong sinampahan niya ng reklamo.
Aniya, ang mga taong sangkot daw ay nangakong ide-deliver sa kanya ang ingredients na kailangan niya sa pagma-manufacture ng kanyang beauty products.
Kaso, napako raw ang pangako ng mga ito na dahilan para maapektuhan ang kanyang negosyo.
“We filed the same kasi yung pera hindi nila binabalik. Unang-una, nagpa-formulate kami and hindi nila magawa yung formulation na exclusive sa amin and hindi rin naman pala nila kaya yung mga ingredients,” ani Ivana.
Sa pahayag pa ng actress, noong nakaraang taon pa raw niya kinausap ang kanyang business partners na ibalik ang kanyang pera na naibayad sa mga ito.
“We asked them last year pa na ibalik na lang yung pera kasi they cannot do what we want, hindi nila maibigay yung magandang formula, hindi rin nila maibigay na exclusive. So sabi ko, ‘We’re not going to work out, i-refund na lang and okay na.’ Kasi ako Sir Raffy, ayoko talaga ng mga issue issue o magkaso ng tao,” pahayag ni Ivana.
Si Ivana ay may sariling line of skin care products na katuwang niyang mina-manage kasama ang inang si Fatima at mga kapatid na sina Mona, Amira at Hash.