Advertisers

Advertisers

Kuya Boy may panawagan kay Liza

0 189

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA lang si Boy Abunda sa maraming na-disappoint sa mga hinaing at reklamo ni Liza Soberano na inilabas nito sa kanyang YouTube vlog tungkol sa nangyari sa kanyang career noong nasa poder pa siya ng Star Magic at ni Ogie Diaz.
Noong Lunes, sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, naglabas ng pagkadismaya si Kuya Boy kay Liza.
Sabi ni Kuya Boy,”Marami po akong gustong sabihin. Disappointed po ako doon sa vlog, I’m not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog.
“Saan po ang pinanggagalingan ko? Let me talk as a manager. Gusto kong magsalita bilang manager.
“May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano na hawakan na ang kanyang karera?
“Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay oo. She has the right to do what she’s doing,” diretsahang pahayag ni Kuya Boy.
Patuloy pa niya, “Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager, kasi po may mga complaint siya doon na, ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ng nangyayari sa aking karera, na I was working with three directors na paulit-ulit.’
“Masakit pakinggan, kasi you are working with three best directors in this country. At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw yon.
“For the last 13 years, yung hinangaan namin, hindi si Liza yun. Because you were saying in your vlog na, I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko, I don’t know the intent, I don’t know where she wants go.
“Kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga managers,” mariin pang sabi ng King of Talk.
Dagdag pa ni Kuya Boy, nagsasalita siya hindi para hiyain o batikusin si Liza, kundi para ipaalala sa dalaga kung paano at saan siya nagsimula at kung bakit nagtagumpay siya sa kanyang career.
“You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude.
“Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari at sa mga taong dumaan sa buhay mo at nakasama mo.
“Because you are where you are today, dahil sa mga taong tumulong sa iyo.
“Liza, lahat ng nangyari sa iyo, nothing is ever wasted. Lahat yan, magiging point of references mo. Do not disregard your past. Do not disregard the thirteen years na minahal ka ng fans mo.
“Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today,” sabi pa ng TV host.
Mensahe pa niya sa aktres, “You know, Liza, I love her. I love you, if you’re watching this, proceed with your career, whenever you want to go, in gratitude.
“You know what you should do, say thank you, because gratitude opens your heart and your life to more blessings,” payo pa ni Kuya Boy sa dating alaga ni Ogie.
***
MAY ginawang horror film si Aljur Abrenica titled Jeongbu mula sa direksyon ni Topel Lee. Ito ang first time na gumawa siya ng isang horror film.
Ayon kay Aljur, natutuwa siya na naidirek ni Topel Lee. Isa kasi ito sa mga hinahangaan niyang direktor since napanood niya ang mga pelikulang horror na ginawa nito.
Sa tanong kung kumustang katrabaho si Direk Topel, ang sagot ni Aljur,”Sobrang cool na direktor. Mahusay! Magaan kasama.”
Sa tanong namin kung magkakaroon ng premier night ang nasabing pelikula, sino ang isang tao na gusto niyang isama?
“Usually, ‘pag premier night ako lang mag-isa, eh. Gusto mo bang sumama?,” natatawang sagot ni Aljur.
Sa naging sagot ni Aljur, halatang iniiwasan niyang mabanggit ang pangalan ng girlfriend niyang si AJ Raval. Ang pangalan kasi ng sexy actress ang hinihintay na sagot namin mula kay Aljur since umamin na siya na sila na ni AJ.
Pero nang kunin ang reaksyon niya sa sinabi ng dating asawang si Kylie Padilla na masaya ito sa relasyon nila ni AJ, dito na nagbigay ng pahayag si Aljur. Sabi niya,”Alam ko naman ‘yun, eh. Nag-uusap naman kami,eh.”
Dagdag niya,”No choice, eh. Ang choice namin is maging maayos talaga kami para sa mga bata. Mag-uusap at mag-uusap kami talaga para sa mga bata.”
Sina Aljur at Kylie ay may dalawang anak na lalaki, sina Alas at Axl.