Advertisers

Advertisers

Kaya pala wala…Dominique di feel imbitahin ang pamilya Barretto sa kasal

0 230

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY mga nagta tanong na netizens kung bakit hindi invited si Claudine Barretto sa kasal ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco na Mrs. Michael Hearn ngayon.
Tanong ng isang faney ni Claudine: “Hi.@claubarretto, bat wala ka po sa.wedding ng anak ni gretchen at sa despedida de soltera din wala ka… hinahanap kita sa video ng kasal ni dom kaso wala ka…di ka ba invited and may something b ulit kayo ng ate mo?”
Isang netizen ang sumagot, “ayaw daw ni Dominique. Walang Barretto family member na invited”
May hidwaan na naman daw ba ang magkapatid?
Hindi lang si Clau ang tinatanong ng netizens kundi ang Barretto family ni La Greta, lalo na ang kanyang ina.
May usap-usapan, hindi raw pina-imbita ni Dominique, how true naman kaya ito?
Binase ng netizens ang pinost ng friend ni Gretchen na si Mimiy Que, isa sa mga ninang nina Mr. and Mrs. Hearn.
Ang dami raw posted photos nito sa Instagram, pero wala raw silang nakita isa man sa mga Barretto.
Narito ang mga komento ng netizens:
“Dom nga not close really sa barretto side and that’s ok kahit sa lolo lola sa barretto”
Syempre dekada rin na may issue si Gretchen sa parents nya and siblings
At mas ok na ganyan at least peaceful ang wedding nya”
“She used to be bffs with Dani”
“Dom used to be close with Claudia. Sayang naman.”
“Wow gagaling ng netizen to assume hahahahaha she probably need to deal first some other issues kaya wala sya dyan jusko”
“Kahit siguro ako, kung ako si Dominique, hindi ko rin iimbitahin pamilya ko kung ganyan lang din kagulo at may history ng gulo kapag may family events. It’s the most special day of her life, she just wants to feel happy at walang worries na dapat ganun naman talaga sa bawat ikakasal. Invite who you want to be there, invite the people who won’t make any trouble. This wedding is about her and her husband, no one else. Their wedding, their rules. Mga Pinoy kasi gusto lahat imbitahin eh. Mas inuuna pa iisipin ng ibang tao kesa sa makakapagpasaya sa kanila at makakapagbigay ng peace of mind”
“I get her. It’s their day ng hubby nya, and knowing the Barrettos, magkaka issue lang. Let’s not blame her for wanting a peaceful life. Ako nga na ordinaryong tao may mga close relatives na hindi rin invited kasi ayoko mabahiran ng toxicity yung masayang araw.”
“It’s Dom’s wedding! She should only invite the people she wants to be there.”
“Because it will draw attention to her mother’s side of relatives than to the bride and groom. Better nga na di nya invited”
Anyway, sana wag nang sagutin ng isa sa miyembro ng pamilya ang isyu para hindi na lumaki pa.
‘Yun lang po!!
***
KATHRYN NA-MEET SI ‘MR. ASSIMO’ NG BG
May post picture si Kathryn Bernarso kasama sina Michael V at ang misis nito na si Carolina Bunagan along with her boyfriend Daniel Padilla.
Nilagyan ito ng aktres ng caption na, “Finally had my photo taken with Michael V. aka Mr. Assimo.”
Parehong naka-sporty wear ang apat na tila galing sa paglalaro.
Tinag ni Kath ang gumaganap na misis ni Michael V sa Pepito Manaloto na si Manilyn Reynes.
“Look mama bear,” ani Kath.
Sabi nga ng netizens, mukhang pinapanood ni Kath ang BG dahil kilalang-kilala nito ang character nina MV at MR.
***
ELLEN HINDI NAKAPALAG KAY DEREK
Pinagtripan ni Derek Ramsey ang misis na si Ellen Adarna.
Hindi agad nakapalag ang magandang misis sa ginawa ng actor.
Sa isang video, tipong magwo-workout ang mag-asawa.
Pumayag si Ellen na ipatong ni Derek ang dalawa niyang paa sa kanyang balikat.
Nang naisukbit na ni Derek ang mga paa, ang akala yata ni Ellen ay magpu-push up ang asawa.
Pero hindi, agad na hinila ng mga paa ni Derek si Ellen papunta sa kanya mabuti na lang hindi nakasubsob sa kanyang puwitan si Ellen.
Agad na nakatakbo si Derek dahil alam niya gagantihan siya ng asawa.
Kinaaliwan ng netizens ang kulitang ito ng mag-asawa at marami ang nag-aabang ng pagganti ni Ellen.
“Waiting for the revenge. Inulit ulit ko tlga sobra pa din tawa ko nawala antok ko haha.”