Advertisers

Advertisers

Inosente naman kasi…Projects sa ABS-CBN at mga endorsement ni Luis ‘di apektado; Shukufuku Maki resto ni Direk Reyno dinudumog ng customers

0 155

Advertisers

Ni PETER LEDESMA

ANG hirap sa mga pabidang bashers and trolls ni Luis Manzano na isinasangkot siya sa umano’y investment scam. Hindi muna nagre-research kung tama o mali ang facts nila. Puro sila satsat e hindi naman nila alam kung ano ang totoong nangyari kay Luis sa Flex Fuel Petroleum Corporation.
At hindi naman porke’t endorser ng said company ang sikat na Kapamilya host (Luis) ay dapat na siyang isangkot kung may pagkukulang man ang Flex Fuel sa mga nagrereklamo nilang investor. Saka nagpaliwanag na naman ang kampo ng petroleum company na wala silang tinatakbuhan sa mga ito at kanilang aayusin ang reklamo laban sa kanila.
Samantala, ayaw nang magsalita ni Luis sa naturang isyu, lalo na sa utang din sa kanyang 66 milyong piso ng Flex Fuel. Ang importante, Agosto pa lang noong nakaraang taon, after mag-resign as Chairman of the Board ay ipinagbigay alam na ng TV host-businessman sa National Bureau of Investigation (NBI) ang problemang nakikita niya sa kumpanya.
Na kung binigyang aksyon agad sana ng NBI ay hindi na umabot sa ganitong senaryo o sitwasyon. Well, dahil inosente nga naman ay hindi apektado ang career ni Luis sa ABC-CBN, kung saan mapapanood na ang nagbabalik niyang top rating show na “I CAN SEE YOUR VOICE.”
Number one endorser din si Luis ng BINGO PLUS, na nag-celebrate ng 1st anniversary kamakailan at ng iba pang malalaking commercials na kasama pa ang kanyang dear Mom na si Vilma Santos. At bukod sa mga nakakakilala kay Luis ay batid na mabait ito at matulungin at never nanloko ng kapwa lalo na sa pera. Naging number one syempre na tagapagtanggol nito ay ang kanyang inang si Ate Vi, na very positive na kayang i-handle ni Luis ang lahat at malalagpasan ang pagsubok na ito lalo’t wala namang sinagasaan at tinapakan ang anak.
This year pala aside sa malaking endorsement ng ating Star for All Seasons na Angkas ay may 3 movie projects siyang nakatakdang gawin kabilang na ang reunion movie nila ni Christoper de Leon na soon ay iso-shoot nila sa Kyoto, Japan. Siguradong lahat ng Vilmanians ay excited na sa mga proyektong ito ni Ate Vi.
***
MALAMANG dahil sa dinudumog araw-araw ng customers ang kabubukas pa lang na Shukufuku House of Maki and Catering Services o Japanese Resto ng filmmaker na si Direk Reyno Oposa ay mag-branchout na sila sa mga darating na buwan. Ayon kay Direk Reyno, plano nila ay sa isang mall dito sa Mega Manila nila ilagay ang kanilang 2nd branch. Aba’y kung magpapatuloy ang lakas ng resto ni Direk Reyno na positive ang kaibigan naming director- producer at manager ng resto na kanyang sister na si Ms. Blessy Pontillas ay hindi malayong magkaroon sila ng franchisee.
Yes, maliban kasi sa walang patid na dating ng mga customers na gustong mag-dine in ay in-demand ang Shukufuku for catering service at selling like hotcakes ang kanilang Mixed Maki Buffet like California Maki, Kani Maki, Teriyaki Maki at Futo Maki. Mabenta rin ang kanilang Ramen na may iba’t ibang flavor. Available rin daily ang kanilang Crispy Tempura, Gyoza, Special Gyudon, Donburi Katsudon Yakisoba, etc.
At bukod sa magaling nilang chef na nag-work before sa isang 5-star hotel ay mabilis at maganda ang service ng Japanese Resto ni Direk Reyno. Located sila sa #175 Ilang-Ilang, Payatas A Commonwealth, Quezon City, at sa tapat lang sila ng basketball court.