Advertisers

Advertisers

Drug den sinalakay sa Bulacan: 4 tiklo

0 162

Advertisers

ARESTADO ang apat katao sa buy bust operation ng mga tauhan ng drug enforcement agency sa isang drug den sa Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Bensil Alar Pepito, 33 anyos; Iris Lei Linaza Bondola, 24; Arthur San Antonio Paez, 31; at Henry Sapi Padilla, 36, residente sa nabangit na lugar.

Sa ulat, 11:30 nang umaga ng Huwebes, Marso 9, nang isagawa ang buy bust operation.



Nakakuha ang mga tauhan ng PDEA sa loob ng drug den ng nasa 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P103,500.00 at assorted drug paraphernalias . (Thony D. Arcenal)