๐๐๐ง๐๐๐จ ๐ข๐ข๐ฆ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐๐ก๐๐ง ๐ค๐จ๐ซ๐๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก
Advertisers
Sinabi ni Senator Panfilo Lacson na inihahanda na niya ang resolusyon para masilip muli ng senado ang isyu ng korapsyon sa Philhealth matapos napaulat ang pagbibitiw ng dalawa hanggang tatlong matataas na opisyal ng naturang ahensya.
Ayon kay Lacson, matagal narin nilang napapag-usapan ni Senate President Vicente Sotto III at ng majority bloc senators ang mga katiwalian at kapalpakan sa Philhealth.
Aniya ang sigawan na naganap sa virtual meeting ng mga matataas na opisyal ng Philhealth ay nag-ugat sa halos P1 bilyon halaga ng mga kuwestiyonableng transaksyon kasama na ang P98 milyon overprice procurement.
Nais ni Lacson na magkaroon ng Senate Committee of the Whole inquiry at aniya nagpahiwatig na si Sotto na mapapabilang ito sa priority agenda sa pagbubukas muli ng sesyon ng Senado sa susunod na linggo.
โThe COVID-19 crisis makes it more disgusting and abominable. Needless to say, there is urgency that the Senate has to act on the matter immediately,โ sabi ni Lacson.
Nabanggit ng senador na ang mga nabanggit na halaga ay base sa internal audit report ng Philhealth. (๐ท๐ป๐ญ ๐๐๐๐)