Advertisers
DINAKMA ng mga tauhan ng Alvarez Police Community Precint (PCP), ang anim na katao na gumagawa ng mga pekeng IDs at Diploma sa tinaguriang ‘Recto University’ kamakalawa ng umaga sa Claro M. Recto, Avenida, Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ni PLt .Rowell Robles, commander ng Alvarez PCP ang mga suspek na sina Josie M Gracas, Lolet M Dela Cruz, Roberto V De Jesus, Roberto B Banting, Edilbert C Medina at Romeo Z Herrera Jr.
Ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng reklamo sa SMS si Manila Police District-Police Station 4 station commander PLtCol John Guiagui kaugnay sa patuloy na paggawa ng mga pekeng ID at diploma sa tinaguriang University of Recto.
Nagsagawa muna ng surveillance ang pulisya at nang makumpirma ay saka sinalakay ang lugar at naaresto ang mga suspek.
Sinampahan ng kasong falsification of documents ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Andi Garcia)