Advertisers
NASAMSAM ang P1.4 milyon halaga ng shabu ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang tulak sa buy bust operation sa Taguig City.
Kinilala ni PDEA Dir. Gen Wilkins Villanueva ang nadakip na si Esmael Kamcha Guiamel @ Datu ng Zamboanga st., Maharlika Village, Taguig City.
Isinagawa ang buy bust operation, 3:30 ng hapon ng mga elemento ng PDEA-SES sa Petron Gasoline Station sa 317-B Manuel L. Quezon St. Brgy. Lower Bicutan.
Inaresto si Guiamel ng mga operatiba matapos maiabot ang droga sa isang agent na nagpanggap ma buyer.
Nakuha ng mga operatiba sa suspek ang may 200 grams ng shabu worth P1.4 million, marked money at 1 cellphone. (Mark Obleada)