Advertisers

Advertisers

Anak ng retired general, 1 pa sugatan sa ambush

0 348

Advertisers

SUGATAN ang binatang anak ng retiradong heneral at kasama nito nang tambangan nitong Huwebes sa Barangay Pantar Sur, Balaoan, La Union.
Kinilala ang mga biktima na sina Rommel Paguirigan, may asawa, ng naturang lugar; at Peter Ronald Obaldo, binata, ng Brgy. Cabua-an at anak ni retired Police General Pedro Obaldo, Jr.
Sa ulat, minamaneho ni Paguirigan ang Mitshubishi Fusion at KIA CRDI naman ang kay Obaldo pauwi galing sa farm ng mga Obaldo nang hinarang sila sa daraanan at agad pinagbabaril ng mga salarin.
Ayon sa report, malubhang tinamaan ng bala ng baril sa katawan si Paguirigan, habang daplis lang sa leeg ang tama ni Obaldo.
Base sa imbestigasyon, may 10 tama ng bala ng M16 riffle ang kotse na minaneho ni Pagurigan, habang 2 kay Obaldo.
Sinasabing dalawa o tatlo ang gunmen na sa sangkot sa pananambang na nakasakay sa dalawang motorsiklo.
Ayon pa sa ulat, nahulog sa mababaw na bangin ang isa sa motorsiklo ng mga salarin habang papatakas.
Napag-alaman na ang retiradong heneral talaga ang target ng gunmen at inakalang ito ang nagmamaneho ng dalang sasakyan ni Paguirigan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Balaoan Municipal Police Station sa krimen.(PTF team)