Advertisers

Advertisers

4 bgy. officials sa Capiz swak sa SAP anomaly

0 283

Advertisers

SINAMPAHAN na ng Criminal Investigation and Detection Group-Capiz ng kasong paglabag sa RA 11469 – Bayanihan to Heal as One Act, at RA 3019 – Anti-Graft Corruption Practices Act ang apat na barangay officials dahil sa anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa Barangay Linao, Panay, Capiz.
Ito ang kinumpirma ni CIDG-Capiz Chief of Police Major Chris Artemius Devaras.
Ayon kay Devaras, kabilang sa sinampahan ng naturang kaso sina Punong Barangay Tito Barnuevo, Kagawad Cleope Billanes, Secretary Marcelyn Bibal at Treasurer Teresa Arabia. Dahil ito sa pagkaltas ng tig-P950 at P3, 210 sa mga benepisyaryo ng ayuda sa kanilang barangay.
Pinangakuan din umano ng mga ito ang mga benepisyaryo na makatatanggap ng susunod pang ayuda kapalit ng pagbigay ng mga ito ng naturang halaga sa kanilang natanggap na SAP aid.(PTF team)