Raffy Tulfo nagsalita sa pagkasawi ng sundalong ipinahiya niya sa nat’l TV

6,839

NAKARATING sa kaalaman ni Raffy Tulfo ang pagkamatay ng sundalong si PFC Raymond Canlog, ang inireklamo sa kanya ng dating karelasyon nito na si Daisyre Ceraos sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA) kamakailan lang.
Sa kanyang pahayag, nagbigay pugay si Tulfo sa kabayanihan ni Canlog na nasawi sa isang engkwentro sa Maguindanao nito lamang July 29.
Ganunpaman, hindi nito naiwasang magbigay ng pahayag laban sa bashers na sinisisi siya at si Ceraos.
Ilang linggo ang nakakaraan nang lumapit si Ceraos sa RTIA upang humingi ng saklolo dahil sa biglaang pag-atras ni Canlog sa kanilang kasal.
Dahil dito, maraming netizens ang umano’y sinisi si Ceraos sa pagkamatay ni Canlog.
Emosyonal din ang babae nang magsalita ito sa programa. Pero giit ni Tulfo, walang kinalaman ang reklamo ng babae sa pagtupad ni Canlog sa kanyang tungkulin para sa bayan at biktima lamang daw ito ng pagkakataon.
Maanghang din ang naging pahayag nito para sa netizens na patuloy na naninira sa kanya at kay Ceraos sa social media.
Humingi uli ng tulong si Ceraos kay Tulfo laban sa mga nagpapakalat ng “fake news” laban sa kanya at kanilang pamilya.(PTF team)

Leave A Reply

Your email address will not be published.