Advertisers

Advertisers

Provincial admin. kinasuhan ng cyber libel ng mayor

0 329

Advertisers

SINAMPAHAN ng cyber libel ng mayor sa Nueva Ecija ang abogadong provincial administrator ng lalawigan dahil sa malisyosong komento sa social media sa usapin ng paglabag sa quarantine protocols.
Sa reklamong inihain ni Peñaranda Mayor Joselito Ramos noong Hulyo 7 sa Office of the Provincial Prosecutor, inakusahan niya si Atty. Alejandro Abesamis, residente rin ng bayan, na nilabag ang protocols habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Nueva Ecija.
Ayon sa alkalde, dumating sa bansa mulang Japan ang apat na “Pablo sisters” at diretsong umuwi sa kanilang bahay nang hindi nai-interview, na-check up at na-quarantine sa mga pasilidad ng bayan dahil umano sa tulong ni Atty. Abesamis.
Dahil dito, Abril 23, nagawang mag-post sa kaniyang FB account ang alkalde: “Mga kababayan ko, san ka nakakita ng ganyan sa gobyerno din naman siya…hirap na hirap na tayong lahat sa coronavirus tapos magpapasok ka dito ng mga galing sa ibang bansa…. pinalusot mo sa checkpoint at kasama ka pa. Anong klase ka… Ano pinapakita mo na matigas ka! Na matalino ka! Na di ka sumusunod sa ipinag-uutos ng gobyerno dahil malakas ka!…”
Ayon sa sumbong, nag-comment si Atty. Abesamis noong Abril 25 na mga litanya ng mga birada sa kaniya na “malicious attacks, remarks and scurilous, libelous and defamatory statements”.
Tulad umano ng komentong: “…Bastos talaga ang pagkatao mo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Kung kayamanan ba kaya feeling mo hari ka o kawalan ng pinag-aralan at kung nakapag-aral ka man lang walang natutunan dahil sa simpleng Good Manners and Right Conduct…baka may kinalaman na ‘yan sa pagpapalaki sa yo..”
Binanggit ni Mayor Ramos na malinaw na libelous ang mga komento ni Atty. Abesamis na kung tutuusin hindi tahasang nabanggit ang pangalan sa una niyang FB post noong Abril 23.
Si Mayor Ramos ay nanalo noong 2019 mayoralty elections, lumamang ng mahigit 2 libong boto sa kapatid ni Atty. Abesamis.
Ayon naman sa provincial administrator, sinabi niyang “politically motivated” ang kaso ni Mayor Ramos at nagsampa rin siya ng kahalintulad na violation of Cyber Crime Preventio Act laban sa alkalde sa piskalya ng Quezon City.(PFT team)