Advertisers

Advertisers

Opisyal ng barangay ninegosyo ang pekeng travel pass

0 388

Advertisers

ARESTADO nitong Lunes ang isang barangay official ng San Juan City dahil pinagkakitaan umano nito ang paggawa ng mga pekeng dokumento ngayong may pandemya.
Kinilala ang inaresto na si Leonardo Puno, 39-anyos, liaison officer ng Barangay West Crame.
Ayon sa San Juan Police, hinuli si Puno dahil sa pamemeke ng travel pass para ibenta.
Sinabi ni San Juan City chief of police Col. Jaime Santos na nakatanggap sila ng sumbong tungkol sa ginagawa ng nasabing barangay official kaya nagkasa sila ng operasyon.
Sa report, inamin ni Puno ang modus at sinabing may kakilala siya sa Recto sa Maynila na gumagawa ng pekeng travel pass.
Nasa 20 na aniya ang kaniyang nabigyan nito. Kinasuhan na siya ng ‘falsification of public documents’.(PTF team)