Advertisers

Advertisers

BGY. KAGAWAD, MIEMBRO PALA NG CRIMINAL GANG, TIKLO

0 287

Advertisers

INARESTO ang isang incumbent barangay kagawad na ‘di umano’y miyembro ng sindikato na reponsable sa robbery hold up, gun for hire at gun running, makaraan salakayin ang tahanan nito sa Silay City, Negros Occidental.
Kinilala ang inaresto na si Ramy L. Belandres, kagawad ng Brgy. E. Lopez sa Silay City.
Ayon kay BGen Jonnel C. Estomo, Dir. ng PNP-AKG, 1:30 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang mga elememto ng PNP AKG-Visayas Field Unit at Silay Municipal Police Station sa Hacienda Teresita sa Brgy. E. Lopez.
Isinagawa ang operasyon base sa ipinalabas na search warrant na inisyu ni Hon. Leonardo B Facultad Jr., Executive Judge, 6 Judicial Region RTC, sa kasong paglabag sa RA10591 laban kay Belandres.
Nabatid na miyembro si Belandres ng ‘Otso Oros Gang’ na nag-o-operate sa Negros Occidental na umano’y responsable sa mga nagaganap na Robbery, Cattle Rustling, gun running at gun for hire sa isla ng Negros Occidental. (Mark Obleada)