Advertisers
ISA umanong paghihiganti ang ginagawa ng whistle-blower at dating Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) legal officer sa pag-iingay nito ukol sa umano’y mga anomalya sa state-insurer, matapos na hindi niya umano makuha ang gustong pwesto, ayon kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.
“He was vengeful because I refused to give him a position he was not qualified,” ani Morales sa Senate hearing, kungsaan tinutukoy niya si Anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith, isang abogado.
Giit ni Morales, gusto ni Keith ang posisyon ni Estrobal Laborte bilang head executive assistant, matapos na bumaba sa pwesto si Laborte para mag-aral.
Si Laborte ay sinasabing nag-resign kasabay ni Keith dahil sa hindi na raw masikmurang katiwalian sa PhilHealth.
Dagdag pa ni Morales, si Keith ay drop out ng Philippine Military Academy (PMA) matapos na umano’y mag-AWOL noong 2017.
“Right now, ngayon na umalis siya sa PhilHealth, meron hong 4 na complaint sa kaniya [na] sexual harassment. So he’s not qualified for the position that he applied for,” anang PhilHealth chief.