Advertisers

Advertisers

1 sundalo, 2 NPA patay sa sagupaan sa ilocos Sur

0 334

Advertisers

NASAWI ang isang sundalo at dalawang miyembro ng New People Army (NPA) sa engkwentro sa Candon City, Ilocos Sur.
Ayon kay Maj. Ericson Bulosan, spokesman ng NOLCOM, 2:00 ng hapon nang makaengkwentro ng mga elemento ng 702nd Infantry Brigade ang mga rebelde mula sa Komiteng Larangang Gerilya-South Ilocos (KLG-SIS) sa pamumuno ng isang alias “Nero” sa Barangay Suagayan, Candon City.
Nagpapatrulya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nagsimula ang bakbakan.
Hindi muna pinangalanan ang nasawing sundalo habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng 2 nasawing rebelde.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga sundalo sa tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)