Advertisers

Advertisers

Good news! Monthly social pension ng seniors pinadodoble

0 229

Advertisers

Pinadodoble ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez ang monthly social pension ng indigent senior citizens.
Sa inihaing House Bill 7266 ng mambabatas, mula sa P500 ay ipinapanukala nito na gawin nang P1,000 ang pension ng mga indigent senior citizen.
Pagbibigay diin ni Rodriguez, napapanahon ang pag-amyenda sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 lalo’t nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa katiting na halaga, 29 percent lamang aniya ng 7.5 million hanggang 8 million na senior Filipino citizens ang tumatanggap ng allowance dahil sa mahigpit na requirements.
Ayon kay Rodriguez, dahil sa paghihigpit na ito ay milyong senior citizens ang napapagkaitan ng social pension na dapat nilang matanggap.
Bunsod nito pinatatanggal ni Rodriguez ang mga katagang ‘frail, sickly and with disability and without pension or assistance from relatives’ sa mga requirements para makatanggap ng pension.
Aniya sapat nang batayan na walang natatanggap na iba pang pension ang senior citizen mula sa public o private entity na nagkakahalaga ng P4,000 o mas mababa sa loob ng isang buwan upang makatanggap ito ng pension.
Nauna na rin ipinanukala ni Rodriguez ang pagpapatupad ng P1,000 hike sa buwanang tinatanggap ng Social Security System pensioners. (Henry Padilla)