Advertisers

Advertisers

Sen. Go sa publiko: Huwag mawalan ng pag-asa sa COVID-19 pandemic

0 289

Advertisers

UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa sambayanan na huwag mawawalan ng pag-asa sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Go na bukas naman ang Duterte admi­nistration sa mga suhesti­yon at kritisismo dahil ­nakakatulong ito para mapabuti pa nila ang serbisyo sa bansa.
Pero aniya kaakibat ng pagpuna ay dapat matutong tulungan na lang ang gobyerno para mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.
Binigyang-diin ni Go na batid naman ng lahat na walang nakapaghanda sa pagdating ng COVID-19 pandemic kung saan ­maging ang mga mayayamang bansa ay wala ring nakahandang plano.
Dagdag ni Go, tanging kooperasyon lang naman ang hiling ng pamahalaan habang wala pang bakuna kontra sa COVID-19.
Kaugnay nito, binuweltahan ni Go ang mga kritiko ng pangulo dahil wala raw itong ginagawa kundi ang maghintay sa bakuna.
Giit ni Go, wala na­mang ibang puwedeng gawin ang pangulo kundi ang maghintay at pangunahan ang ­kampanya laban sa pagkalat ng virus sa ­bansa. (Mylene Alfonso)