Advertisers

Advertisers

ANG BATANG SI CHAMP AY BORN CHAMPION

Dominic Joaquin Ronquillo Arejola...

0 296

Advertisers

WALANG dudang hitik sa talento at husay ang Filipino basketeers dahilan upang humanga at mapabilib ang mga nanonood at tagasunod ng sport na paboritong past time ng Pinoy.
Mula sa husay sa slashing skills na halintulad sa ‘parting the red sea’, acrobatic shots twisting fadeaways at undergoal stabs, kayang-kaya ng Pinoy cagers iyan sa estilong nakapadron American brand of basketball.
Dahilan sa inborn talent at passion for basketball, kayang harapin ng mga Pinoy cagers alinmang koponan sa mundo na tiyak na aani ng respeto pero walang kasiguruhan ng panalo sa larong ‘height is might’.
“We need streakshooters outside and beyond the arc. It’s a potential gamechan-ger” opinyon ng mga eksperto sa larangan.
Noong panahong ang popular na koponang team Harbour Center ay namamayagpag sa kampeonato sa defunct Philippine Basketball League(PBL),si Dominic Joaquin Ronquillo Arejola ay isinilang ni Giselle – kabiyak ni Erick Arejola- top brass ng naturang champion team. Siya ay tinawag sa palayaw na ‘Champ’.
Sa kanyang murang edad na 5 anyos, si Champ ay naging inspirasyon ang kanyang Dad Erick – kasalukuyang PBA Board Member na kumakatawan sa North Port.
Si Erick ay naging frontliner ng koponang De La Salle Zobel noon kalaunan ay naging miyembro ng cham-pion team na DeLa Salle University Archers noong UAAP 2001 sa timon ni coach Franz Pumaren.
Ang batang Arejola ay nagsimulang nag-dribble at nag-shoot sa motibasyong gagayahin niya ang kanyang ama lalo sa pagmamahal sa sport na basketball.
Si Champ ay kaliwete, isinilang na isang asintado sa shooting kahalintulad ng mga pamosong tirador sa labas noong sina alamat Jimmy Mariano at triggerman Allan Cai-dic.
Nauna niyang natutunan ang basics ng basketball sa kanyang idol Dad Erick matapos ay ang pormal na edukasyon sa laro kay Coach Eric Altamirano ng Coach E at ng MILO Best program.
Si Champ ay nasa pagsasanay nina DLSZ coaches Kane Baylon, Bryce Ong at Jun Cabling. Nasa timon din siya ni coach Mark Gell sa pagitan ng varsity practices at academics kung saan ay mandatory ang regular na shooting drill bago nagkaroon ng outbreak ng pandemya.
Bilang grade 7, ang naging GEM (Goals for Excellence in Mathematics) at consistent na top 1 sa DLSZ, si Champ ay tinatahak na rin ang winning ways ng kanyang idol Dad Erick. Isa nang achiever ang young cager sa pamamayagpag nito sa mga palarong Throwdown League Champion. 2018 at 2019 Smart Breakdown Basketball Invitationals (BBI) Champion, International Sports Sciences Association Champion at 2015 to 18 The Village Sports Club Inter-School Basketball Champion.
Si Kid Champ ay isang sweet shooting point guard sa taas nitong 5’5 at tiyak na mas tatangkad siya sa kanyang six- footer na ama ‘by genes physically ‘sa tulong na rin ng supplemental growth mula Cherifer at energy boost mula naman sa MILO.
Sa larong basketball kailangan ang natural na asintado sa hardcourt, licensed to shoot, na pinakamabisang sandata para maging kampeon. Mamamayagpag na ang Shooting Star na si Champ at magniningning ito matapos na ma-foul out ang krisis na corona virus patungong new normal at balik-aksiyon na sa larangan ng basketball.(Danny Simon)