Advertisers
Tiniyak ng Malacañang na nasa perpetual isolation si Pangulong Rodrigo Duterte para tiyakin ang proteksiyon nito mula sa banta ng COVID-19.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing nitong Lunes.
Pinuri umano ni Roque ang Presidential Security Group (PSG) sa pagtiyak sa kaligtasan ng 75-anyos na pangulo ng bansa mula sa pandemic.
Tiniyak din ni Roque na regular na sumasailalim ang presidente sa swab test para sa COVID-19.
Ang pahayag ni Roque ay kasunod ng pag-anunsiyo ni DILG Secretary Eduardo Año kamakalawa na muling nagpositibo ng COVID 19.
Matatandaan na kasama si Año sa pagpupulong sa pagitan ng Pangulo at ng mga gabinete sa Davao noong Agosto 10.
Samantala, maugong pa rin ang balita na nagpapagamot ngayon ang pinakamamahal na pangulo ng bansa sa Singapore dahil sa umano’y di pa batid na karamdaman na pinabulaanan ng Malacañang. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)