Advertisers

Advertisers

Senado nagpasaklolo sa NBI para protektahan ang PhilHealth documents

0 243

Advertisers

HUMINGI na ng saklolo ang Senado sa National Bureau of Investigation (NBI) para maprotektahan ang mga ebidensya sa PhilHealth related controversy.
Partikular na ang nasa tanggapan sa Ilocos region.
Nais malaman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung ang “water leak” sa naturang building ay ginawang may motibo para pagtakpan ang ilang isyu.
Nabasa kasi ang mga dokumento sa mismong pinagtataguan ng mga ito.
Para kay Zubiri, kung mapapatunayang may sadyang gumawa, dapat umanong habulin at kasuhan ang nasabing tao.
Una nang sinabi ni Atty. Thorsson Montes Keith na maaaring may nagtatangkang magtago ng katotohanan para isalba ang mga sangkot sa katiwalian.
Kaya sa sariling expose daw niya ay tiniyak na nitong protektado ang mga hawak niyang ebidensya para hindi na maisobotahe ng mga tiwali sa loob ng naturang opisina.