Advertisers
ARESTADO ang isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos makunan ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Leyte.
Kinilala ang nadakip na si Edward Veloso, nasa hustong gulang, empleyado ng DPWH at residente ng Barangay Hinangatan, Tabango, Leyte.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 8 (PDEA-8), nakuha mula kay Veloso ang 5 pakete ng shabu na nasa P3,400 ang halaga. Siya ay kabilang sa high value target (HVT) dahil sa koneksyon sa malaking sindikato ng droga sa buong Leyte.(PTF team)