Advertisers

Advertisers

Covid update: 729 gumaling; 13 namatay; 4,686 new cases

0 254

Advertisers

UMABOT na sa halos 195,000 ang kabuuang bilang ng naitatalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #163 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00 ng hapon ng Agosto 24 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 4,686 bagong kaso ng sakit dahilan para umakyat na sa 194,252 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.
“A total of 4,686 confirmed cases are reported based on the total tests done by 95 out of 109 current operational labs,” anang DOH.
Ayon sa DOH, sa kabuuang kaso ng sakit, 59,200 pa ang nananatiling aktibong kaso, habang 91.5% ng mga ito ay mild cases, 6.1% ang asymptomatic, 1.0% ang severe at 1.4% naman ang critical.
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR), na umabot sa 2,519; sumunod ang Laguna na may 286; Cavite na may 218; Bulacan na may 189; at Rizal na may 179 new cases naman.
Sa bilang ng bagong naitalang kaso, 4,045 ang iniulat mula August 11 hanggang 24.
Ang magandang balita naman, nakapagtala pa ang DOH ng panibagong 729 pasyente na gumaling na sa karamdaman sanhi upang umabot na ang kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries sa Pilipinas sa 132,042.
Samantala, iniulat din ng DOH na umakyat na ngayon sa 3,010 ang kabuuang bilang ng COVID-19 death toll sa Pilipinas, matapos na makapagtala pa ng 13 pasyente na binawian ng buhay.
Sa naturang 13 deaths, 6 ang binawian ng buhay noong Agosto; 6 din noong Hulyo at isa naman noong Hunyo.
Ang mga namatay ay mula sa NCR na nakapagtala ng 8 patay; Region 4A na nakapagtala ng dalawa habang tig-isa naman ang naitalang COVID-19 death ng Region 7, Region 5 at Region 11.
Mayroon din namang 35 na duplicates na inalis sa total case count.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 17 ang recovered at isa ang patay.
Mayroon din umanong 37 na unang napaulat na nakarekober sa karamdaman ngunit matapos ang final validation, natuklasan na lima sa kanila ang patay na at 32 naman ang active cases pa.
Patuloy pa umano ang ginagawang balidasyon at paglilinis ng DOH sa kanilang mga datos. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)