Advertisers

Advertisers

Police station at munisipyo pinasabugan sa Maguindanao

0 306

Advertisers

PINASABUGAN ang police station at munisipyo sa Maguindanao.
Itinuturong suspek sa panibagong pagsabog ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Arnold Santiago, sumabog ang isang high explosive projectile mula sa M79 grenade launchers sa likurang bahagi ng Municipal Police Station (MPS) at Municipal Hall sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.
Sinabi naman ni Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan na posibleng pananakot ang motibo sa pagsabog dahil may nakakulong na high value suspect sa costudial facility ng PNP.(PTF team)