Advertisers

Advertisers

VP Leni: Tulong sa maliliit na negosyo at displaced workers

0 237

Advertisers

Binigyan-diin ni Bise Presidente Leni Robredo na kasunod ng pagtugon ng administrasyon sa kampanya nito laban sa COVID-19 ay kailangan agapayan ang maliliit na negosyo sa muli nilang pagbangon at mabigyan ng tulong at trabaho ang mga displaced worker.
Sa kanyang panibagong ulat sa bayan nitong Martes ay muling naglatag ang Pangalawang Pangulo ng mungkahi na maaring magsilbing batayan ng gobyerno sa responde nito sa health crisis dulot ng COVID-19.
Ayon pa kay Robredo, importanteng mapanatili ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng banta ng pandemya na magsilbing tulay para sa matatag na sambayanan at makabangon muli ang ekonomiya ng bansa.
Pinaalalahanan ni Robredo administrasyon na kung talagang seryoso ito sa pagtulong sa maliliit na negosyo ay bubuo ito ng mekanismo para magpatuloy ang daloy ng ekonomiya. (Josephine Patricio)