Advertisers
KUMAIN, mamili at mag-uwi ng pagkain o anumang produkto sa Maynila para manalo ng 7th generation Ipad.
Ito ang imbitasyon ni Mayor Isko Moreno sa lahat ng magsa-shopping, kakain o mamimili ng kahit na anong produkto sa lungsod upang buhayin ang klima ng kalakalan sa lungsod at mapalakas ang ekonomiya sa gitna ng pandemya. Ito ay bukas para sa lahat.
Inanunsyo ni Moreno na sa loob ng apat na linggo at tuwing Biyernes ay mamimigay ang pamahalaang lungsod ng Ipads bilang bahagi ng kampanya sa publiko na “bumili ng lokal, kumain ng lokal.”
Kailangan lang na mag-download ng ‘Challenge Accepted’ poster, mag-selfie habang kumakain o namimili sa kahit na anong establishment sa Maynila o may hawak na produktong binili at i-post sa social media na may hashtag na “#Challenge AcceptedBuyLocalEatLocalManila” kahit anong araw mula Lunes hanggang Miyerkules.
Mamimili ang pamahalaang lungsod ng 20 entries at ipo-post sa Facebook. Sinumang makakuha ng pinakamaraming reactions ang siyang mananalo.
“Karinderya, tindahan, restaurant, clothing, palengke, lahat ng negosyo sa Maynila. Magdownload ka ng selfie sa karinderya ng kapitbahay mong tsismosa o kaya sa tambayan ng tatay mong umiinom. It doesn’t matter where as long as it’s in Manila. Pwedeng habang kumakain or nagta-takeout o bumibili ka ng tumbong, kamto, pares o halo-halo sa palengke,” sabi ni Moreno.
Ang naturang contest ay naglalayon din na hikayatin ang publiko, lalo na ang mga taga-Maynila tangkilikin ang mga negosyo sa lungsod kung saan sila naninirahan.
Ito ay bahagi rin ng ‘Support Local Program’ na inilunsad ni business permit and licensing office chief Levi Facundo na layuning suportahan ang negosyo na nakabase sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Facundo na ang #ManilaSupportLocalChallenge ay inilunsad: “to create an activity that will drive spending to local businesses be it face to face or on-line transaction, whether goods or service for as long as the spending is made here in the City Of Manila.”
“We’ve made progress since we started giving out ‘Local Support’ shirts through our seven-day challenge with almost 800 members and over 130 activities posted. These buying activities have injected our local economy with approximately P40k in one week and if continued will make about P160k in one month,” paliwanag ni Facundo.
“But what if everyone will join and contribute? Say we have about 3,000 members spending at an average of P300 when you eat out, do grocery, go to a salon, gassing up, having coffee or snacks… That’ll be over P25 million in local money injected to our local economy! The Manila Support Local MUST succeed because this will be the home of all the campaigns we are doing. So please join us and ask your employees, friends and loved ones to do the same and increase our membership, and spending,” dagdag pa ni Facundo.
Samantala ay pinangunahan nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang ceremonial turnover ng mga libreng laptops, tablets at pocket wifis sa mga public school students at teachers upang magamit nila sa kanilang distant, blended learning.
Ang lungsod ay naglaan dito ng pondong P1 billion. (Andi Garcia)