Advertisers

Advertisers

Jailbreak sa Tabaco District Jail: 6 preso pumuga!

0 248

Advertisers

NAKATAKAS ang anim na bilanggo mula sa Tabaco District Jail sa Albay.
Kinilala ang mga pugante na sina Eric Barrameda, Kevin Braga, Rodney Cagod, Alfonso Seneta, Benjamin Reyes Jr., at Glenn Beldejina.
Nahaharap ang anim na bilanggo sa iba’t ibang kasong kriminal.
Ayon sa ulat, dumaan ang anim sa likod ng kulungan, gamit ang scaffolding na iniwan ng mga nagkukumpuni sa mga sira sa gusali.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga nakapuga na pinaniniwalaang hindi pa nakalalayo sa lugar.
Nahaharap naman sa kasong kriminal at administratibo ang mga naka-duty na pulis sa piitan nang mangyari ang pagkakatakas ng mga preso. (Ace Ramales)