Advertisers
Nakatanggap tayo ng isang classified info patungkol sa “secret meeting” kuno nina DILG Assistant Secretary Florencio “Jun” Bernabe at Paranaque City 2nd District Congressman Gustavo Tambunting kasama ang maybahay nito na si Joy sa isang Japanese restaurant sa isang 5-star hotel sa Macapagal Boulevard, Paranaque City nito lang weekend.
Ayon sa intregero nating impormante, nakakataas ng kilay ang pagkikitang ito ng dalawang kilalang political figures ng Paranaque sa late hours of that particular night considering na ang anak na lalaki ni Asec.Jun Bernabe ay tumatakbong vice mayor ng nasabing lungsod na kalaban ng partido ni Cong.Gus Tambunting ng Team Bagong Paranaque samantalang nasa line up naman ng Team Pag-asa si Benjo Bernabe.
Ang kuwestiyon ng mga sarcastic insiders, may nangyayari na nga bang “laglagan” o HUDASAN sa pagitan ng magkabilang partido?
Pero ang tanong lang natin sa mga kakosang gala, kanino nanggaling ang inisyatiba para sa tinaguriang “SECRET MEETING”?
Ano ang agenda nito?
At bakit sa dinami-dami ng lugar na puwedeng magkita ang kampo nina Bernabe at Tambunting, sa Paranaque pa talaga sinet-up ang meeting?
Ika nga, masyadong bulgaran naman!
Di man lang yata itinago.
Initially ayon pa sa ating source,sa BGC sa Taguig ito unang ini-schedule pero sa di pa malamang dahilan ay sa Macapagal Boulevard nga natuloy at nangyari.
Nang usisain natin sa source kung sino ang naging tulay ng dalawang kampo, walang kagatul-gatol na tumugon ito ng… “si Joey Marquez”!
Talaga ba?
Naroroon din umano ang dating mayor at ex ni Ms Alma Moreno sa meeting nina Cong.Gus Tambunting at Asec.Jun Bernabe.
Anyway, both parties or shall we say kahit lahat sila can deny this.
Puwede rin nilang sabihin na accidental o nagkataon lang at nagkita sila doon, hindi po ba?
Pero ang tanong natin ulit, bakit kailangang sumunod sa venue ng meeting sina Team Pag-asa mayoralty candidate Jun Zaide at Benjo Bernabe na tumatakbong vice mayor ni Zaide na base sa ulat ay magkasama ng gabing iyon at galing sa pangangampanya.
Everybody knows na si Benjo ay anak ni Asec.Jun Barnabe.
Ano naman kaya ang pinag-usapan ng gabing iyon?
Open secret naman na desperado itong si Gus Tambunting na makahabol sa katunggali nitong si Cong. Brian Yamsuan na nakapag-estabilisa na ng malaking kalamangan kay Tambunting despite being the incumbent & reelectionist congressman ng District 2 ng Paranaque.
Humingi nga ba ng tulong o nagpahiwatig nga ba itong mag-asawang Tambunting ng secret o unholy alliance sa pamilya Bernabe?
One plus two equals three di po ba?
Ganun lang kasimple ang equation na ating nababasa sa senaryong ito.
Makahabol at makakuha ng boto ang tanging adhikain at agenda nitong si Cong. Gus at all cost, na puwede o hindi tanggapin ng kampo ng mga Barnabe.
Sinu-sino ang mga puwedeng isakripisyo ng magkabilang kampo sakaling nagkasundo nga sila ng gabing iyon?
Sa kampo ng mga Tambunting, direktang masasabing “hinudas” na dito sina Cong. Edwin Olivarez na tumatakbong alkalde at si reelectionist vice mayor Joan Villafuerte na nasa partido ng Team Bagong Paranaque.
Sa kampo naman ng mga Bernabe, si Bicol Saro Congressman Brian Yamsuan naman ang tila gustong ilaglag at ibangketa sa Team Pag-asa.
Sabotaheng matatawag ito sa kanilang binuong alyansa.
Ang masakit,noong araw ng Linggo, Mayo 4,nakita pang kasama si Cong.Gus Tambunting sa motorcade ng Team Bagong Paranaque alongside Kuya Edwin Olivarez at iba pang kandidato ng kampo ng mga Olivarez.
Susmaryosep… sa pulitika talaga napakaraming HUDAS!
Again, puwedeng puwede pong i-deny ito ng mga taong nabanggit as we speak, pero the fact na may ganitong alimuum na lumabas is another issue.
Layon lamang po ng artikulong ito na bigyang babala ang mga kinauukulan na posibleng naging sobrang abala at focus sa kani-kanilang pangangampanya at nakaligtaang amoyin at suriin ang mga taong nakapaligid sa kanila.
May kasabihan tayo na napakasakit mamatay sa kamay ng kaibigan kesa sa punlo ng kaaway!
Walang sino man ang ligtas sa mga ganitong taksil…
Maging si Hesukristo ay HINUDAS din ng kanyang mismong desipulo.
Paalala lang po!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com