Advertisers

Advertisers

DRIVER SA ‘GAS AND RUN’ SUMUKO SA PULISYA

0 17

Advertisers

SUMUKO na ang driver na sangkot sa viral na “gas-and-run” incident. Nasa kustodiya na ito ng Quezon City Police District (QCPD), Lunes ng gabi.
Sinamahan ang 27-anyos na driver ng Toyota Innova na si alias “Jefferson” ng kanyang pamilya nang magtu-ngo sa La Loma Police Station 1 ng QCPD bandang 8:00 ng gabi.
Nauna nang natukoy ng pulisya ang suspek at ang sasakyan sa pamamagitan ng forward at backward CCTV tracking at pakikipag-ugna-yan sa iba pang ahensya.
Sa imbestigasyon, lumabas na tumigil sa pagmamaneho ang suspek at umiwas sa social media nang mag-viral ang insidente.
Ayon sa kanya, hindi niya alam na hinahanap na siya ng mga awtoridad at nanatili lamang siya sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan, kungsaan nakaparada rin ang sasakyang sangkot.
Naganap ang insidente madaling araw ng Linggo nang magpakarga ng full tank ng diesel ang suspek sa isang gasolinahan sa EDSA nguni’t biglang umalis nang hindi binabayaran ang P5,196 ha-laga ng gasolina.
Ayon kay Police Brigadier General Randy Silvio, natunton ng mga imbestigador ang puting sasakyan sa pamama-gitan ng CCTV footage at backtracking operations.
Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na hindi ang sumukong driver ang may-ari ng kotse, pinasalo lamang pala ito.
Ayon sa driver, nagawa lang niya ang pagtakas dahil sa hirap ng buhay, lalo na graduating student ang kanyang anak.
Sa krudo nalang daw kasi napupunta ang lahat ng kanyang pinagpapaguran maghapon at halos wala na siyang maiuwi para sa kanyang pa-milya.
Nagkaharap ang suspek at ang pumping attendant, na umano’y masaya dahil nahuli na ang tumakas na driver.
Sinabi ng pumping attendant na humingi narin ng dispensa ang driver at ang pamil-ya nito sa nagawa dahil tatlong araw din umano siyang hindi nakapasok dulot ng naturang insidente.
Samantala, pinalaya na ng La Loma Police Station ang TNVS driver.
Ayon sa La Loma Police, hindi na puwedeng i-inquest si Jefferson dahil lumampas na sa reglamentary period ng pagsasampa ng kaso.
Dahil dito, pinauwi na si Jefferson, na residente ng San Jose del Monte City, Bulacan.
Nasa pagpapasiya na ng Global Oil kung magdi-direct filing sila ng kasong ‘estafa’ laban sa TNVS driver.
(Boy Celario)