Advertisers
KUNG ihahambing sa karera ng mga kabayo ang impeachment trial ni Misfit Sara sa Senate Impeachment Court (SIC), dumating na sa homestretch ang mga nagkakarerang kabayo. Pauwi na at ilang saglit na lang ay lalampas sila sa finish line o meta.
Sari-saring usapan ang maririnig tungkol sa magkabilang panig – prosekusyon at depensa. May usapan tungkol sa mga senador na nagsisilbing bilang hukom sa SIC. Depende lang kung saan panig nagsimula ang mga usapan. Mas matining ang mga ingay dahil ikinakalat ang mga ito ng kanilang mga kampon. Mga palipad hangin sila.
Mula sa kampo ni Misfit Sara at ang mga naglisawang DDS, ikinakalat na may senador-hukom na kabilang sa mayorya ang babaligtad upang mapawalang sala si Misfit Sara. May tatlo o apat na senador hukom ang babaligtad upang hindi makuha ni Misfit ang itinakdang 14 na boto upang mahatulang “guilty” sa paglilitis.
Hindi binanggit kung sino at ano ang kanilang dahilan upang bumaligtad. Basta babaligtad. Sinuhulan ba sila ng daang milyon mula sa ninakaw na salapi ng mga Duterte? Walang umaamin sa ganitong sapantaha.
Hindi kagulat-gulat ang mga ganyang balita lalo na kapag galing sa kampo ni Misfit Sara. Sanay silang baligtarin ang isyu at magpalabas ng fake news. Iyan ang naging takbo ng political career ng mga Duterte – mula sa ama hanggang sa mga anak.
Ngunit may kumakalat na ibang balita mula sa ibang kampo at kahit sa traditional media. May pahayag si Camoteng Robin na hindi kay Misfit Sara ang kanyang katapatan. Kay Gongdi siya tapat dahil si Gongdi na nagbigay buhay sa kanyang bigong political career. Dahil sa suporta ni Gongdi, nahalal siya bilang pangunahing senador noong 2022.
May pahiwatig si Camote na hindi siya boboto upang ipawalang sala si Misfit. Mas malamang na boboto siya ng guilty upang tuluyang matanggal sa poder bilang pangalawang pangulo at hindi makatakbo sa anumang halalan.
Ang tanong: ano kaya ang hihinging kapalit? Hindi natin alam kung sasama siya sa mayorya bagaman alam niya na wala siyang kinabukasan san ilalim ng mga anak ni Gongdi. Nananatili silang palamuti dahil sagad siya sa kamangmangan at kabobohan.
Hindi malinaw kung ano ang iboboto ni Bong Go, ang dakilang alalay. Tulad ni Camoteng Robin, kay Gongdi ang kanyang katapatan at hindi kaninuman sa mga anak ni Gongdi. Kinamumuhian siya ng mga anak dahil sa matinding selos at dahil sa kanyang impluwensiya sa ama na kasalukuyang nakakulong sa bilangguan ng ICC sa Olandiya.
Sa pag-inog ng paglilitis kay Misfit, hindi kinakitaan si Bong Go na papanig siya sa palalong anak ni Gongdi. Hindi siya nagpahiwatig kahit minsan na sinusuportahan niya si Misfit. Hindi siya tulad ng magkapatid na Cawatano, Imee, at kahit si Camoteng Robin na halos manikluhod na sumuporta kay Misfit.
May katwiran si Bong Go na hindi hindi ipakita ang kanyang nakatagong baraha. Hindi si Misfit Sara ang nagdidikta ng kapalaran niya sa pulitika. Kahit si Bong Go ay may mga sariling problema. Nahaharap siya sa sakdal na plunder na isinampa ni Sonny Trillanes noong 2024. Maaaring bumaba anumang oras ang arrest warrant mula sa ICC dahil siya ang humawak ng salapi bilang pabuya sa madugo pero palpak digmaan kontra droga ni Gongdi.
***
PANSININ ang kampo ni Misfit Sara. Hindi paghahanda sa pagpapawalang sala ang kanilang pinagkakaabalahan sa ngayon. Mas naghahanda sila kung hahatulan siya ng guilty at sibakin bilang bise presidente. Batid nila na susunod ang mga sakdal na kriminal laban kay Misfit.
Kasama ang sakdal na plunder na isinampa ni Trillanes laban kay Misfit noong 2024. May sakdal na grave threats na inihahanda ang DoJ kaugnay sa pagbabanta sa buhay ni BBM, Liza, at dating ispiker Martin Romualdez na inire pa niya sa social media.
Batid nila na naghahanda ang kampo ni BBM ng iba pang sakdal na ihaharap sa pagpasok ng 2027 laban sa kanya. Hindi matatahimik si Misfit dahil gagamitin ebidensya ang mga nakalap sa impeachment trial. Kasama ang mga testimonya ng ilang saksi at dokumento na iniharap nila sa paglilitis na isinantabi dahil mas binigyan ng tuon ang isyu ng tagong yaman ng mag-asawang Misfit Sara at Manash Carpio.
Aming nahihinuha na tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga Duterte. Habang nililitis si Gongdi sa ICC umpisa sa Lunes, o ika-30 ng Nobyembre, tuloy-tuloy ang paglilitis ni Misfit. Hindi nangyari sa kasaysayan ng Filipinas na nilitis ng sabay-sabay ang ama at anak sa magkahiwalay na hukuman.
***
MGA PILING SALITA: ”The most striking comment that I’ve heard about Misfit Sara’s meltdown came from a lowly taxicab driver, who said: ‘Delikado iyan. Kapag naging presidente iyan, gagamitin ang poder upang mang-api.’ Sabi ko: ‘Hindi magiging presidente iyan. Kapag naging presidente iyan, dalawa lang ang scenario. Tatanggalin iyan sa kudeta o withdrawal of support ng military at PNP tulad na nangyari kay Erap. O tatanggalin siya sa people power revolt tulad ng nangyari kay Marcos Sr.’”- PL, netizen, kritiko
“Bong Go packages himself as “Mr. Malasakit.” But he’s just a flunkey of Gongdi. Utusan, alalay, aso, runner. Niloloko tayo.” – PL, netizen, kritiko
“People of the Philippines, your President is a murderer.” – Sen. Leila de Lima (2016)