Advertisers
Isang 31-anyos na lalaki na nahaharap sa maraming kaso na may kinalaman sa sexual abuse sa isang menor de edad ang inaresto ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) sa pagpapatupad ng warrant of arrest noong Nobyembre 25, 2026, sa Upper McKinley Road, Barangay Pinagsama, Taguig City.
Ang akusado, na kinilalang si alyas Jaime, ay nakalista bilang No. 3 Most Wanted Person ng Makati City Police Station. Siya ay dinakip ng mga tauhan ng District Mobile Force Battalion (DMFB-SPD), sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL RONALD P CAYAGO, Officer-in-Charge, DMFB-SPD, sa koordinasyon ng Warrant Police Station ng Makati Station.
Ang warrant ay inilabas ng Family Court, Branch 15, Taguig City, noong Oktubre 30, 2026, na sumasaklaw sa apat na kasong kriminal: Qualified Rape of a Menor, Qualified Rape through Sexual Assault, at dalawang counts ng Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, in relation to Section 15.
Walang piyansa ang inirekomenda ng korte para sa kasong Qualified Rape of a Minor, ?200,000.00 bail para sa Qualified Rape through Sexual Assault, at ?108,000.00 bail para sa bawat bilang ng Statutory Acts of Lasciviousness.
Pinuri ni SPD Director PBGEN Rodel A Pastor, ang mga operating personnel para sa matagumpay na pag-aresto, na binibigyang-diin na ang organisasyon ng pulisya ay nananatiling nakatuon sa pagprotekta sa mga bata at tinitiyak na ang mga indibidwal na inakusahan ng paggawa ng mga krimen laban sa mga menor de edad ay dadalhin sa tamang korte.
Pansamantalang nakakulong ang naarestong indibidwal sa Taguig City Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa issuing court. (JOJO SADIWA)