Advertisers

Advertisers

KOMEDYANTENG NAG-‘SEXUALIZE’ NG MGA BATA, IPATATAWAG NG NBI; MAARING MAHARAP SA MALAKING MULTA AT KULONG

0 50

Advertisers

INIUTOS ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag nitong Martes and pag-isyu ng subpoena laban sa isang komedyante kaugnay ng diumano ay kontrobersyal nitong komento sa social media ukol sa mga bata, kasabay ng pahayag na ang kasong maari nitong kaharapin ay may parusang kulong na mula 17-20 taon at multang mula P800,000 hanggang P1 milyon.

Nagtungo sa NBI sina House Committee on the Welfare of Children vice chairperson Rep. Ann Matibag at Council for the Welfare of Children (CWC) Executive Director Angelo Tapales upang pormal na magreklamo sa ginawa ng komedyante.

“Nakakaalarma at hindi dapat balewalain ang ganitong mga pahayag, lalo na kung may kinalaman sa sexualization ng mga bata,” ani Rep. Matibag.



Ayon kay Director Matibag, may pananagutann ang komedyante lalo pa’t ginawa nito ang pahayag sa publiko gamit ang online.

Aniya, may mga linya sa komedya na hindi dapat gamitin at dapat umanon ay may kaakibat na pananagutang panlipunan ang kalayaan sa paglikha ng komedya.



Ang isyu ay nag-ugat sa isang burado nang Facebook post ng komedyante kung saan sinabi niya ang ganito: “Sabi ng doktor ko watch what you eat, kaso kumokonti na yung mga playground” na umani ng batikos dahil umano sa ‘sexualization’ ng mga bata. (JERRY S. TAN)