Advertisers
PARAÑAQUE CITY — Muling kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Parañaque matapos nitong makamit ang iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR) sa ginanap na 2026 Urban Governance Exemplar Awards.
Kabilang sa mga natanggap na pagkilala ng lungsod ang mga sumusunod:
1. Ideal Functionality Rating para sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) para sa taong 2025.
2. Highly Compliant Rating sa 2025 Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRP).
3. Top Performer sa Liquid Waste Management Cluster sa ilalim ng MBCRP.
4. Top Performer sa Solid Waste Management Cluster sa ilalim din ng MBCRP.
5. Top 2 Local Government Unit sa 2025 Fisheries Compliance Audit.
6. Regional Passer sa 2026 Child-Friendly Local Governance Audit.
7. High Performing Anti-Drug Abuse Council.
8. High Functional LCAT-VAWC Rating.
9. High Performing Peace and Order Council.
10. Full Compliance sa Full Disclosure Policy mula ikalawang quarter ng 2025 hanggang unang quarter ng 2026.
Kinilala rin ang Parañaque City sa aktibong pakikilahok nito sa mga quarterly conference ng Joint Regional Task Force-NCR at sa BRAVE AKO Program. Bukod dito, nagsilbi rin ang lungsod bilang host city ng 2nd Quarter Regional Peace and Order Council.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ang mga natamong parangal ay hindi lamang tagumpay ng City Government kundi pagkilala rin sa sama-samang pagsisikap ng buong komunidad ng Parañaque.
Nagsisilbi namang inspirasyon ang mga pagkilalang ito upang higit pang palakasin ang mga programa, isulong ang mabuting pamamahala at pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo publiko para sa kapakanan ng bawat Parañaqueño.
Patuloy ang Parañaque sa pagsusulong ng maayos, responsable at serbisyong pampamahalaan para sa mamamayan. (RONALD BULA)