Advertisers

Advertisers

APAT NA BIGTIME DRUG PUSHER, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA PARAÑAQUE

0 17

Advertisers

APAT na lalaki na hinihinalang bigtime drug pusher ang inaresto ng mga operatiba ng SPD-Drug Enforcement Unit, kasama ang SDEU Parañaque matapos ikasa ang illegal drug buy-bust operation sa Barangay San Dionisio, Paranaque City noong Lunes, Nobyembre 23, 2026.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni NCRPO Regional Director PBGEN Christopher N. Abrahano, nakilala ang mga high value individual na sina Jonathan Liban Jr., alias Tol, 22 years old, Filipino, binata,jobless, Grade 9 Student, at kasalukuyang naninirahan sa Block 12, Lot 10, Madrigal Day Care Center, Brgy. Ilaya, Las Piñas City; RayMhar Jimenez,, 38 years old, binata, jobless at kasalukuyang naninirahan sa 1003 Tramo St., Brgy. Manuyo Uno, Las Piñas City; Marvin Montefulca, 25 years old, binata, Electrician, High School Undergraduate, at kasalukuyang naninirahan sa 43 Reyes St., Gate 1, Fourth Estate, Brgy. San Antonio, Parañaque City; at Allen Dave Dalida, 26 yrs, binata, checker , at kasalukuyang naninirahan sa 40 Reyes St., Gate 1, Fourth Estate, Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Sa ulat ng pulisya, isinagawa ang drug buy-bust operation ng mga operatiba bandang 8:38 PM ng Nobyembre 23 sa Room 103, Joeys Apartelle Eatery ng Brgy.. San Dionisio.



Nauna rito, nakatanggap ng intelligence report ang DDEU-SPD sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Cecilio Tomas Jr. kung saan talamak ang bentahan ng iligal na droga sa naturang lugar.

Sa tulong ng ilang police informer ay agad na ikinasa ang pagsalakay na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek at pagkakasamsam ng tinatayang bigat ng mga nakumpiskang ilegal na droga (Shabu), na may timbang na 200 gramo na may halagang SDP Php 1,360,000.00.



Ang mga nahuling suspek ay dadalhin sa tanggapan ng DDEU-SPD upang ihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila. (JOJO SADIWA)