Advertisers
Parang umiikot lang daw sa PUNO NG KAMATIS ang impeachment trial ni VP Sara na kung saan ilan buwan na ring umaandar sa Senado na hindi nareresolba.
Marami ang nagsasabi na sana man lang daw ay sa puo ng balite ito umikot dahil sa ito y malaking puno kung ikukumpara sa PUNO NG KAMATIS na parang isang halaman lang.
Puro eskrimahan lang daw ng laway ang namumutawi sa Senado sa pagitan ng depensa at prosekusyon.
Walang kamatayang presentasyon ng mga testigo o’ mga witness na wala namang sustansiya ang pinagsa-sasabi.
Patawag dito at patawag doon ng kung sinu-sinong tao, kumbida dito kumbida doon ng mga taong kung saan saan pang bahagi ng bansa galing na wala ring basehan ang dinadaldal.
Abala lang sa oras at panahon at higit sa lahat ay malaking gastusin ito sa panig ng gobyerno na wala rin namang katuturan.
‘Di tulad noong lumipas na panahon na mahuhusay ang mga senator judges na kung saan ilan buwan lang ay tapos agad ang boxing gayong parehong Kaso rin ang kinakaharap.
Ang ilan halimbawa nito ay ang impeachment trial ni dating Pangulong Erap Estrada na kung saan ilan buwan lang ay resolba at may desisyon na.
Ilan milyong piso lang ang inu-ugnay laban sa dating Pangulo na malayong-malayo sa bilyong pisong inuugnay kay VP Sara.
Ang iba pang halimbawa ay ang impeachment case laban kay dating Supreme Court Chief Renato Corona at dating Pangulong GMA na ilan buwan lang ay tapos agad.
Segun ba ito sa mga Senator Judges, segun ba ito sa kanilang talino, tapang at prinsipyong pinanghahawakan?
Kung sa bagay ay iba talaga ang mga senator judges noong panahong iyon na kinabibilangan nina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Miriam Depensor Santiago, Senator Franklin Drilon, Raul Roco at iba pa.
Masasabing puro brilliant ang mga ito, may paninindigan at wala ng paligoy-ligoy pa kung mag-salita.
Kung tutuusin ay pawang matatalino rin naman ang mg senator judges na humahawak ng impeachment case ni VP Sara.
Di lang natin malaman kung ano ang kredentiyal na kulang sa kanila na sila-sila lang ang nakakaalam.
Ang kinakatakot ng marami ay kung at baka abutin pa ito ng 2028 Presidential election na wala pa ring resulta.