Advertisers
NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sa mga posibleng kaganapan sa paglalabas ng hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Nobyembre 23.
Ani Remulla, ang proceedings ay maaaring magpaalab ng emosyon sa mga tagasuporta ng dalawang pa-nig.
Dahil dito ay kailangan aniyang ipanatili ng mga pulis ang kaayusan at maiwasan ang posibleng mga sagupaan.
“It gets very emotional… Emotions get very high on both sides,” sinabi ni Remulla.
Nagpaalala si Remulla sa mga pulis na ang kanilang pangunahing tungkulin ay protektahan ang publiko lalo na sa mga ‘politically sensitive events.’
Dapat din aniyang tulungan ng PNP ang publiko na manatiling kalmado at hindi na lalala pa sa karahasan.
Nang tanungin kung anong mga scenario ang pinaghahandaan ng pamahalaan, sinabi ni Remulla na lahat ng posibi-lidad ay kinokonsidera.
“We always expect the worst. Wala namang expect the best dito sa PNP. We always anticipate, we always prepare,” aniya. (Mark Obleada)