Advertisers

Advertisers

HINDI MABUBUWAG ANG ICC

0 8

Advertisers

HUWAG seryosohin si Harry Roque, ang dalahirang dating tagapagsalita ni Gongdi. Nagtatago ngayon sa Europa si Roque na kasalukuyang may arrest warrant dahil sa human trafficking kaugnay sa operasyon ng mga POGO dito. Walang basehan ang ipinagmamagaling ni Harry na mabubuwag na ang International Criminal Court (ICC) dahil nagsama-sama na si Donald Trump, Xi Jinping, at Vladimir Putin.

Wala rin batayan ang sinabi ng pugante na palalayain na ng ICC si Gongdi at pareho na silang makakauwi sa Filipinas. Hindi magaling si Harry. Hanggang daldal ang pugante. Kung magaling si Harry, hindi siya pugante sa Europa. Uuwi siya dito upang ipagtanggol ang sarili.

Wala sa panig niya ang katotohanan at katwiran. Tagakalat na lang siya ng fake news bilang pagtatanggol kay Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa ICC. Nakakasuka si Harry dahil tinakbuhan niya ang mga pananagutan dito. Wala siyang dangal.



Sa Lunes, haharap si Duterte sa paglilitis ng ICC Pretrial Chamber III. Nakanganga lang si Harry sa pagsisimula ng paglilitis. Kahit ang pamilya ng mga Duterte hindi siya kinuha bilang manananggol kahit may accreditation si Harry sa ICC.

Bistado nila na hindi magaling si Harry. Unang kinuha ng mga Duterte si Nicholas Kaufman. Nang natapos ang kontrata ni Kaufman noong Mayo, ipinalit ni Consuelo “Honeylet” Avancena, ang kinakasama ni Duterte, si Peter Heynes. Pawang mga dayuhan sila. Wala kahit ang anino ni Harry Roque.



Wala silang tiwala kay Harry Roque na sa tingin nila ay pipitsugin at walang sapat na kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang amo na si Duterte. Taga-kantiyaw na lang si Harry. Isang mababang uri ng talipandas si Harry. Panlaban lang sa kantiyawan.

Hindi kasapi ng ICC ang mga bansang kinakatawan ni Trump, Putin at Xi. Hindi kasaping bansa ang Estados Unidos, Russia, at Tsina. Dahil hindi sila kasapi, hindi nila maiimpluwensiyahan ang 125 kasaping-bansa ng ICC. Hindi sila pinaniniwalaan ng mga kasaping bansa.



Kamakailan, ganap na natalo ang lapiang Republican ni Trump sa halalan. Walang lakas ang kampo ni Trump upang igiit ang kanilang nais sa bansa. Lameduck si Trump. Lumpong pato upang magpilit.

Nasa digmaan ang Russia at wala rin lakas si Putin upang igiit ang kanyang nais. May ibinabang arrest warrant ang ICC laban kay Putin at ito ang dahilan kung bakit inis siya sa ICC. Masamang tao ang tingin kay Putin ng buong mundo dahil kahit bata ay kanyang ipinapatay.

Hindi tinitingala si Xi ng buong mundo. Isang haragang bansa ang Tsina sa pandaigdigang pamayanan. Makasarili ang Tsina dahil pinipilit kamkamin ang halos kabuuan ng awst Philippine Sea Sea. Wala silang suporta sa maraming bansa.
***
BUBUKSAN sa Lunes, ika-30 ng Nobyembre, ang paglilitis ni Duterte sa ilalim ng ICC Trial Chamber III, ngunit may balita na hanggang ngayon hindi pa handa ang pangkat ng depensa na pamumunuan ng kanyang mananagol na si Peter Haynes, isang abogado mula sa Inglaterra na kinuha bilang kapalit ni Nicholas Kaufman. Mukhang nalunod ang pangkat ni Haynes sa dami ng mga ebidensiya na ihaharap ng mga taga-usig sa paglilitis.

Hndi matugunan ni Haynes ang mga katibayan dahil noong Mayo lang siya naging kapalit ni Kaufman. Hindi nya gagap ang maraming detalye na sadyang mahirap maunawaan para sa isang dayuhan tulad. Wala naman nakuha si Honeylet na Filipino. Wala siyang tiwala kay Harry Roque na totoong hindi magaling.

May apat na sesyon na tatagal ang bawat isang sesyon ng isang oras. Binigyan ng siyam na oras ang prosekusyon upang iharap ang kanilang batayan na hatulan si Duterte ng kulong at tatagal ito ang humigit kumulang na dalawang araw ng paglilitis.

Binigyan ng limang oras ang mga manananggol ng mga pamilya ng biktima ng EJKs ni Duterte upang iharap ang kanilang daing sa hukuman. Saka pa lang makakapagsalita ang depensa at mayroon silang apat na oras upang sagutin ang lahat ng bintang.

Hindi namin alam kung magaling si Haynes pero para sa amin, masisira ang kahit sinong abogado sa kaso ni Duterte dahil mahirap talagang ilusot ang mamamatay tao ng Davao City.

***

Email:bootsfra@yahoo.com