Advertisers

Advertisers

STATE OF ‘LAWLESSNESS’

0 13

Advertisers

UMAANI ngayon ng batikos ang Pambansang Pulisya (PNP) dahil sa mga “kagaguhan” nitong si PMAJ. Jasper Benedict Santos ng PNP-CIDG matapos madawit sa P1.2 million robbery sa isang negosyante sa Caloocan City kamakailan.

Ayon pa sa mga ulat, “sabit” din itong si Santos sa kasong kidnapping sa Maynila. Kumbaga, pagdating sa mga gawaing kriminal, walang “sinasanto” itong si Santos.

Kung bakit naman na-promote pa siya sa ranggong ‘Police Major’ bago sumambulat ang kanyang umano’y mga krimen, ay patunay sa patuloy na malaking problema sa sistema ng ‘merit and promotion’ sa ating pambansang pulisya—“kunsintidor” sa mga pusakal at mga kriminal.



Pero, sadya yatang ayaw “masapawan” ng National Investigation Bureau (NBI) ni Director Melvin Matibag kung paglabag din lang sa batas ang pag-uusapan, mga kabayan!

May kumakalat kasing kopya ng liham (daw) ng Korean Embassy kay Director Matibag na may petsang Oktubre 2, kung saan inirereklamo rin ang ilang tauhan ng NBI ng pagnanakaw sa pera, alahas at sasakyan ng dalawang Korean nationals matapos silang “mahulidap,” ehek, arestuhin umano ng NBI.



Hindi kinasuhan at bagkus ay pinalaya pagkaraan umano ng limang oras ang mga Koreano pero ang kanilang pera, alahas at sasakyan, hindi na ibinalik!

Mainam na agad magpaliwanag sa bagong kontrobersiyang ito si Director Matibag dahil sadya itong kailangan—at bago siya “matibag” sa puwesto.



Samantala, ilang kasapi ng Malaysian Air Force ang hinuli ng Malaysian authorities dahil sa kaso ng drug smuggling gamit ang military transport planes ng Malaysia. Papunta umano sa Indonesia at ‘Pinas ang halos 100 kilo ng shabu na nakumpiska sa mga suspek.

Kung military personnel ng Malaysia ang sangkot, hindi mahirap isipin na mga sundalong Pilipino naman ang kanilang mga kontak dito para tumanggap ng droga, tama ba, mga kabayan?

Take note, ito na ang ikatlong insidente ng drug smuggling gamit ang mga eroplano at barko na sinasabing lahat ay papunta sa Pinas sa nakaraang dalawang buwan.

Kung ang PNP, NBI at militar ay muling sumasabit sa mga karumal-dumal na krimen, hindi na marahil tamang sabihin na umiiral pa rin ang batas sa bansa?

‘We are now in a state of lawlessness,’ mga kabayan. “Kawawa” ka na, Bayan ko!