Advertisers

Advertisers

‘Kumuha talaga ng kickback si Jinggoy’

0 10

Advertisers

IBINUNYAG ng itinuturong “right hand” ni dating DPWH (Department of Public Works and Highways) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara na si Engr. John Carlo Rivera na nanggaling ang P213 milyong “commitment” ni Senador Jinggoy Estrada mula sa advance payment ng mga kontratista sa probinsya ng Bulacan.

Kasama riyan ang P355 milyong halaga ng pumping stations sa Bulacan 1st District Engineering Office at solar street lights sa 3rd District Engineering Office na nagkakahalaga ng P500 milyon.

Sa kabuuang P855 milyon na halaga ng mga proyekto, 25% o P213 milyon daw ang naging porsyento o kickback ni Jinggoy bilang proponent ng mga proyekto. Lupet!



Siya rin daw ang naghanda ng listahan ng mga proyekto. Nilinaw niya na wala siyang personal at direktang transaksyon o utos na natanggap mula kay Estrada, tanging kay Alcantara. Ganun?

Sinabi ito ni Rivera sa pagdinig ng kasong plunder at graft ni Estrada na hawak ng Sandiganbayan Fifth Division noong Biyernes, Nov. 20.



Nauna nang itinanggi ni Estrada ang alegasyon ng korapsyon.

Si Estrada ay kasalukuyang nakakulong.



Pero hindi na bago ang kasong Plunder kay Jinggoy.

Nauna na siyang nakasuhan ng Plunder sa pagpadaloy ng kanyang multi-million pork barrel fund sa mga “pekeng” foundation ni Janet Lim-Napoles. Ilang taon din siyang nakulong noon bago pinayagang makapapiyansa.

Nagtataka nga lang ako kung bakit ibinoto uli ng maraming Pinoy para Senador si Jinggoy.

Ito ang problema sa ating mga kababayan kapag eleksyon, alam na nilang tulisan ang isang kandidato, ibinoboto parin.

Sana sa darating na national election sa 2028, maghalal na tayo ng mga kandidato na walang bahid ng katiwalian. Let’s do it, mga kapatid!!!

***

Si dating Pangulo Rody Duterte ay nagbabayad ng hanggang P45 million pataas kada buwan sa kanyang legal team expenses para depensaan siya sa ICC trial.

Hindi mahirap si Digong. Hindi totoo na natutulog siyang nakakulambo at nag-bday na cup rice ang handa. Pautot n’ya lang yun para makuha ang simpatya ng masang mahihirap. Ang totoo, bilyonaryo si Digong. Oo! Totoo yung nalantad sa impeachment trial laban sa kanyang anak, Vice President Sara Duterte, sa joint account sila. Mismo!

Kinumpirma nga ng International Criminal Court na si Digong ay hindi indigent. Sasagutin niya ang gastusin ng kanyang defense team sa crimes against humanity case.

Ang trial ay magsisimula sa Nobyembre 30 sa Trial Chamber lll.

Ang kanyang anak namang si Sara ay dedesisyunan ng Senate Impeachment Court bago raw mag-PASKO!

Subaybayan!