Advertisers

Advertisers

Pergalan Queen Donya Tessie Untouchable Engkargado ng PNP Calabarzon?

0 8

Advertisers

Hindi na siguro dapat pang iparating sa mga Acting Provincial Director ng Batangas at Laguna ang problema ng talamak na Pergalan sa nasabing mga Lalawigan, iderekta na natin kay Philippine National Police Calabarzon Regional Director PBGen. Dominic Baccay dahil siya ang saktong magbibigay derektiba hinggil sa problema.

Nais iparating ng Usapang HAUZ sa magiting na PNP Region 4-A Director Gen. Baccay ang impormasyong nakalap na isang Donya Tessie umano ang siyang Engkargado sa Calabarzon pagdating sa Pergalan ang Perya con Sugalan, sakaling hindi abot sa kaalaman ng heneral ay pakilusin mo ang iyong mga intelligence Officer sayang ang pondo na inilagak ng gobyerno kung tutulog tulog sa pansitan ang mga tauhan mo.

PBGen. Baccay Sir ipinagmamalaki nitong si Donya Tessie na siya ang nagbibigay ng masaganang ani mula sa mga Pergalan sa mga tiwaling opisyal na nakatalaga sa Calabarzon yung tipong busog ang bulsa to the max?



Ayon sa impormasyong nakalap ng Usapang HAUZ, Gen. Baccay Sir ang sinasabing Engkargado na si Donya Tessie ay siyang may hawak ng pangkalahatang Pergalan mula sa Lalawigan ng Batangas at Laguna di lang malaman kung hanggang Cavite at Quezon ay kanya ring hawak.

Wala rin umanong makapaglakas ng loob na mga peryante na magtayo ng negosyo dahil hindi papayagan ni Donya Tessie partikular sa Batangas at Laguna depende na rin lang sa usapan kung kakayanin ang hihingin na intelehensiya.



Bigyan natin ng impormasyon mga Ka Usapang HAUZ ang magiting na PNP Region 4-A Director Gen. Baccay, sir sa Lalawigan ng Batangas ang lugar ng Lipa sa Barangay San Sebastian Balabag isang Alias Joel na sinasabing anak ni Donya Tessie ang siyang namamahala sa Pergalan bukod pa ang Brgy. Mabini na isang Alias Boyet ang siyang nangangalaga, Brgy. Antipolo at Brgy. Sabang na pawang pagaari ang Pergalan dito ni Donya Tessie.

Sa Bayan pa rin ni Gov. Vilma Santos Recto, sa may Ibaan Bayan, isa namang Tatay Larry na sinasabing malapit kay Donya Tessie kaya nagkaroon ng pagkakataon na makapuwesto habang sa Laurel Bayan ay si Marie na taga Bulacan ang siyang katiwala ng Perya na may Sugalan.



Bigyan naman natin ng pansin mga Ka Usapang HAUZ ang puwesto ni Donya Tessie sa Lalawigan ng Laguna na tila sampal kay NBI Director Atty. Melvin Matibag dahil sa Binan na alam naman ng Sambayanan na ito ang halos home town ng kanyang pinakamamahal na Mrs. Congresswoman Ann Matibag.

Para sa kaalaman mo sir PBGEN. Baccay ang Brgy. Dela Paz, Organic Farm ay lantaran ang pasugal na color games untouchable din dahil umaabot sa apat na lamesa ang pasugal rito at isang Rommel ang katiwala, habang sa Brgy. Langkiwa ay hindi rin mahulugang karayom ang mga mananaya.

“Ako lang ang may kapangyarihan na makapagbubukas ng Pergalan dito sa Lalawigan ng Batangas at Laguna” yan sir PBGEN Baccay ang bukang bibig ng Engkargadong si Donya Tessie?

Alam ng mga Ka Usapang HAUZ na labis ang iyong pagka busy sa iyong tungkulin kung kaya’t mas makakabuti siguro PBGEN Baccay Sir ipaubaya o bigyan mo ng direktiba ang iyong mga Intelligence Officer at huwag ng iparating pa sa mga PD dahil siguradong mga busy rin sila sa kanilang AOR na arestuhin at kasuhan ang nagpapakilalang Engkargado ng PNP Calabarzon na si Donya Tessie.
***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag-email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036