Advertisers

Advertisers

PNP REGION 4B, IPINANGALANDAKAN NG MGA ILIGALISTA NA PASOK SA MGA PERGALAN?

0 30

Advertisers

MATAGAL ng problema ng mga taga Oriental Mindoro ang mga salot na Pergalan o (peryahan na pulos sugalan) na hindi nabigyan ng kaukulang aksyon ng mga opisyal ng PNP Region 4B.

Maraming residente mula sa nabanggit na lalawigan ang nananawagan ngayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na pagtuunan umano ng pansin ang umano’y talamak na iligal na aktibidades ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan sa Camp Efigenio Navarro o ang Police Regional Office MIMAROPA at Oriental Mindoro Police Provincial Office.

Sa halip umano na nagtrabaho ang ilang mga mataas na opisyal ng kapulisan sa buong rehiyon para labanan ang mga sindikato at masasamang loob ay pagsasawalangkibo ang ginagawa ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hayagan umano kung magbigay ng proteksiyon sa mga iligalista sa probinsiya ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor.



Dahil diyan, mahalagang tanungin ni PNP Chief, Jose Melencio Nartatez Jr. sina PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz at Oriental Mindoro Provincial Director PCol Efraim Camara kung bakit patuloy na nakakaladkad ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng proteksiyon sa lahat ng uri ng iligal na sugal tulad ng mga “color games at drop ball baraha” na front ay Peryahan na pulos sugal na lantad at hayagan ang ‘gambling operation’ sa bayan ng Bansud, Roxas, Pola, Bulalacao, Mansalay, Socorro, Pinamalayan, Bongabong, Gloria, San Teodoro, Baco, Naujan, Victoria at Calapan City, Oriental Mindoro.

Bukod diyan laganap din ang pagpapataya ng mga kubrador ng jueteng na dekada ng namamayagpag ang operasyon nito sa nasabing lalawigan na protektado umano ng maimpluwensiyang pulitiko.



Sinasabing ang kapalit umano ng pagsasawalangkibo ng ilang mataas na opisyal ng kapulisan sa nabanggit na rehiyon at lalawigan ang lingguhang ‘protection money’ na tinatanggap ng ilang personalidad gamit ang tanggapan ng mga nabanggit na opisyal kaya malaya umanong nakakapag-operate ng mga lantad na iligal na sugal ang mga sindikatong ng Pergalan.

Mahalagang malaman din kung sino ang amo nina alyas Manalo, Nonoy, Leynes, at Nani na ang ilan ay retirado at miyembro ng PNP na manghingi ng tongpats kada linggo at goodwill sa lahat ng mga nagpapatakbo ng iligal na sugal tulad ng peryahan na pulos sugal.



Ayon sa sumbong ang nagsisilbing mga kolektong ay nakakalikom umano ng daang libong piso weekly ang nakokolektang kotong sa mga bigtime na operator ng mga peryahan na pulos sugal.

Maganda ring magpaliwa dito sina Col Camara at Gen. Dela Cruz kung kilala ba nila itong mga nabanggit na ‘bagman’ na walang takot na gumagamit sa kanilang tanggapan — bagay na dapat bigyang-linaw ng mga opisyal upang hindi tuluyang masira ang kanilang pangalan.

Ayon sa reklamo posible, aniya, na may gumagamit lamang sa pangalan nina Col Camara at Gen. Dela Cruz, bagaman ilan sa mga illegalista ang nagyayabang na ‘pasok’ na sila sa PNP Region 4B, tulad ng S2, R2, at CIDG na wala nang sinumang makakabuwag pa sa kanilang illegal na aktibidades, lalo ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ilan sa mga gambling operators na hayagang nagyabang na ‘nabayaran’ na nila ang ilang opisyal ng PNP Region 4B ay ito umanong sina alyas Fely, Nano, Onye, Che, at Ryan na may latag na hindi bababa sa 70-mesa na drop ball baraha at color games sa may Petron ng barangay camilmil, Calapan, poblacion ng Pola, Bansud, Roxas, Victoria, Naujan, Mansalay, Bulalacao at iba pang bayan sa Oriental Mindoro.

Samantala sa matagal na panahon ding hindi napasok ng mga iligalista ang lalawigan ng Romblon kung saan gabi-gabi ng dinadagsa ng mga sugarol ang naka kamadang lamesa ng drop ball baraha at color games sa may romblon public market at barangay dapawan sa Odiongan na inaabot ng madaling araw ang gambling operation na ikinagulat ng maraming romblomanon na diumano’y magiging bisyo ito ng mamamayan ni Gov. Trina Firmalo-Fabic kapag nagkataon.

Ang tanong ay kung paano ito nakakalusot kay PCol Rexton Sawi, ang PNP Provincial Director ng Romblon?

Gabi-gabi rin umanong pinaglalamayan ng mga adik at sugarol maging ng mga kabataan na tumataya ng libo-libo sa mga Pergalan (perya-sugalan) na parang mga kabute na nagsusulputan sa mga bayan ng Mamburao, Abra de Ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Magsaysay, Paluan, Rizal, Sanbalayan, San Jose at Santa Cruz, Occidental Mindoro na malaking hamon ngayon sa liderato ni Occidental Mindoro Provincial Director PCol Ali Jose Duterte na magiging sakit ng ulo ni Governor Eduardo Gadiano?

Ipinagtataka din ng mga taga Mindoro at Romblon ang diumano’y pananahimik ng NBI-MIMAROPA na bukambibig din ng mga iligalista na pasok din sa kanila?

May kasunod pa…

@@@

Anumang reaksyonno suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com