Advertisers

Advertisers

Bail petitions nina Marcoleta, Defensor et al denied!

0 10

Advertisers

BINASURA ng Sandiganbayan 3rd Division ang bail petitions nina Senador Rodante Marcoleta, dating Congressman Mike Defensor at dalawa pang negosyanteng co-accused nila sa P75-million donations plunder case.

Ibig sabihin nito ay mananatili sa Quezon City Jail sa Payatas ang mga dating astig na mambabatas.

Unanimous ang pagkabasura ng Sandiganbayan sa naturang petition.



Nauna nang sinuspinde ng 90 days ng graft court si Marcoleta.

Tama ang desisyon ng Sandiganbayan. Saludo ako!



***
Isang DDS political analyst ang nagsabi na apat na Senator Judge mula sa majority bloc ang maaring bumuto para sa aquital ni Bise Presidente Sara Duterte-Carpio sa impeachment case.

Ito raw ay sina Migz Zubiri, Mark Villar, Lito Lapid at Chiz Escudero.



Hunghang ang DDS political analyst na ito. DDS nga! Hehehe…

Sa aking pananaw, hindi boboto ng pabor kay Sara sina Migz at Lito, sina Mark at Chiz puede pa.

Why?

Si Zubiri ay hindi DDS. Maayos ito, may paninindigan kahit alanganin ang pagkalalaki. Ehek!

Si Lapid naman, kahit lider siya ng “silent majority” ay marunong tumingin ng tama at mali kahit kulang siya sa edukasyon. Mas magaling siyang mag-isip kesa kay Boy Sili. Hehehe…

Pero sina Mark at Chiz, medyo may tama ang naturang political analyst.

Malaki kasi ang “utang na loob” ni Mark sa ama ni Sara na si ex-President Digong.

Si Mark ay naging DPWH Secretary ni Digong.

Malaking pabor ang nakuha ng Villar kay Digong. Ang pagsali niya sa majority ay ‘style lang’ para siguro maghinay-hinay ang Marcos admin sa pagsampa ng kaso sa kanilang pamilya. You know!!!

At si Chiz, isa siyang DDS na tila napilitan lang sumama sa majority dahil sa kinakaharap niyang kasong Plunder kaugnay ng “kickback” sa flood control scandal.

Ang isa pang Senator Judge na posibleng bumuto para sa aquital ni VP Sara ay si Joel Villanueva.

Oo! Si Villanueva ay isang DDS na tulad ni Chiz ay inakusahan ding “nagbulsa” ng kickback sa flood control projects anomaly.

Bago sila lumipat sa majority bloc ay inginuso sila ng mga dating opisyal ng DPWH sa Bulacan na tumanggap ng multi-million kickback, 20 to 25 percent commission sa kanilang proyekyong pinadaloy sa Bulacan. Now you know!